Chakuy Reaction No. 9

MOR, DZGB Dominate The Legazpi’s Airwaves

Ayon sa recent Kantar Media Survey, nangunguna sa buong Legazpi at Albay ang MOR Legazpi sa FM Market samantalang sa AM Market naman, nagunguna ang DZGB. Para sa kompletong resulta, narito (Di kasama ang DWRL 88.3, Brigada 91.5, DWAY 104.3, at DWAU 107.5):

(FM)

1 – DWRD 93.9

2 – DWCM 99.5

3 – DWGB 97.1

4 – DWCW 96.3

5 – DWHI 100.3

(AM)

1 – DZGB 729

2 – DZLG 927

3 – DWZR 828

Photo Credits to the Owner…

Other Gossips

Nakita ko sa tweet ng Easy Rock na nakikinig pala sa naturang istasyon ang nagbabalik-Kapuso na si Atom Araullo.

Advertisements

Chakuy Reaction No. 8

Pambabastos ng Pambansang Awit

Kamakailan, naging viral sa social media ang isang video ng transgender woman na si Maria Sofia Love na kung saan binastos niya ang ating pambansang awit. Kaya naman, nagsampa ng reklamo ang National Historical Commission laban kay Love dahil rito. Labag sa batas ang pagbababoy ng ating pambansang awit na may parusang humigit lima hanggang dalawampung libong piso at pagkakulong nang isang taon, ayon sa Seksyon 38 at 50 ng Batas Republika Blg. 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines. Narito ang video:

ANG ATING PAMBANSANG AWIT AY PARA SA BAYAN AT HINDI PARA SA KALOKOHAN.

Fiesta sa Sto. Domingo

Ilang tulog na lang at papalapit na ang pista dito sa aking bayan. Ilan sa mga aktibidad sa naturang pista ay ang parada, peryahan, mga tindahan sa kalye (malapit sa palengke, parke, at LCC Express Mart) Binibining Sto. Domingo (di pa sigurado), at ang presentasyon ng mga mag-aaral ng CDLC (aking alma mater noong elementarya) at iba pang paaralan sa bayan. Kaya makipyesta na!!

Baby Shark

Mula sa Bastelicious, ang isa sa mga nauusong sayaw ngayon ay ang Baby Shark. Narito ang video:

Iba bang Tsismis

Kamakailan, naging UST Legazpi na ang Aquinas University sa Lungsod ng Legazpi. Kaya Congratulations, UST Legazpi for successful rebranding of that school.

At palapit na rin ang pagbubukas ng SM sa Legazpi sa susunod na taon. Sa susunod naman ay City Mall, Robinsons Mall, o Vista/Star Mall.

Chakuy Reaction No. 7

Manila Experience 2

Pagdating ko sa Maynila, nakinig ako sa Home Radio 97.9 at na-observe ko na iba pala ang playlist ng Home sa Maynila kaysa sa Legazpi pero may ilan na mape-play rin dito sa Legazpi. Sinubukan ko rin ang DTT na katulad rin ng TV Plus. Na-observe ko rin ang pirated radio stations katulad ng Radyo Kontra Droga at Radyo Kontra Weaboo.

Julianella, Their Movie, and The Station Where Thay Belong

Sa September 6 ipapalabas ang pelikula nina Ella Cruz at Julian Trono, ang Fanboy, Fangirl sa mga sinehan lalong lalo na sa Bichara, Gaisano, at Ayala. Pero kung magkakaroon sila teleserye, saang TV station sila gagawa nito? Since they are Viva talent (sa Viva, kahit saang istasyon sa TV, pwede), narito:

ABS-CBN

Pwede silang gumawa ng teleserye sa Dos makompetersya lang ang JaDine na taga-Viva rin.

GMA 7

Pwede rin sila sa GMA 7 dahil dati silang bida sa teleseryeng Super Twins.

TV5

Pwede rin sila sa TV5 through Wattpad Series

News TV at Iba Pa

Paano nga ba naging No. 1 News Channel ang News TV kahit may mga programa na hindi nasa News format? Dapat tanggalin ang mga programa na hindi nasa News Format katulad ng nabanggit sa isang artikulo especially mga K-Drama reruns, reruns ng mga documentaries at programs pero huwag ang mga programa ng Light Network dahil bukod sa partnership ng GMA with ZOE, ang News TV ay alternative for Light Network since nag-migrate ang Light through their digital broadcasting in the same frequency. Pwede ring ipalabas ang replay ng mga GMA Public Affairs programs katulad lang ng KMJS, I Witness, at Imbestigador.

Other Gossips

Abangan rin ang Limang Most-Annoying Segments sa Philippine Television sa buwan ng Oktobre para sa selebrasyon ng ika-64 na anibersyaro ng Philippine Television.

Chakuy Reaction No. 6

Wishful Success

Ngayong buwan ipinagdiriwang ng Wish 107.5 ang ika-3 anibersaryo. Nagsimula ito ang pag-ere nito noong taong 2014 kasabay ang pagkatatag ng isang mobile studio upang maikayat ang mga tagapakinig na manood rito nang live. Mas demanded ang kanilang YouTube channel (main at ang alternative, ginamit ng Wish ang alternative channel nila nang nawala ang kanilang main channel dahil sa isyu ng copyright).

May nakita ako sa Facebook na may “naninira” sa Wish FM. Gusto kase nila na “ibalik” ang tunog ng nowdefunct rock station na NU 107. Hindi ako sang-ayon sa ginagawa nilang “paninira”. Kung may nakakita po kayo na may naninira sa Wish FM, i-report niyo po kaagad sa Chakuy FB Page o sa kanilang FB Page mismo.

The Station Where He Belonged

Nitong Lunes, ika-7 ng Agosto nang binanggit ng komedyante na Vice Ganda tungkol sa GMA 7 sa isang kalahok sa segmentong Miss Q & A ng Showtime. Sinabi ni Vice na:

“Kung sinasabi na ang GMA ay Where You Belong, ba’t pa sila naglilipatan?”

Alam ko na si Vice ay dating taga-Siyete at ilang beses nang binabanggit ni Vice ang Siyete lalong lalo ang ang kalabang noontime show na Eat Bulaga.

Instant Bunot sa Sorsogon

Sa lalawigan ng Sorsogon, may isang mambubunot ng ngipin na sa loob lang ng ilang segundo, tanggal agad ang ngipin. Wala siyang nilalagyang anestesia o kayarom sa ngipin. Kailangan lang ng tapang upang matanggal ang sumasakit na ngipin. Pinalabas na po ito sa KMJS. Narito ang video:

Iba Pang Tsismis

Isang taon nang nasa himpapawid ang Catch 22 Pilipinas na mapapakinggan sa lahat na himpilan ng Love Radio, Yes The Best, at Easy Rock. Ngunit, napakapangit pakinggan kung sa Easy Rock dahil masyado nang magulo ang kanilang playlist. Nawawala na ang dating tunog at napunta na sa Home Radio. Kaya, mas maganda na tanggalin ang Catch 22 sa Easy Rock, at sa Love Radio at Yes The Best na lamang ito mapapakinggan. Dapat ayusin na ng MBC ang ginagawang “No. 1-kuno” ng Love Radio (dahil lamang na sa ratings ang MOR at Barangay kung sa Kalakhang Maynila babasehan, ngunit nangunguna sila sa Santiago, Butuan, Roxas, at Naga, at buti na lang shut up lang ang 99.5 Legazpi), “Millenial Choice-kuno” ng Yes The Best, at “Masanised Easy Listening” ng Easy Rock.

Chakuy Reaction No. 5

Salita ni Admin

Bilang pagdiriwang sa taunang Buwan ng Wika ngayong Agosto. May pagka-wikang Filipino muna ang aking mga ilalatha sa loob ng buwang ito.

Nagbabalik ang MTVph!

Nagbalik na ang halos walong buwan na paghihintay, ang MTVph. Hindi kase ako natuwa sa panahon ng MTV Pinoy dahil sa diumano’y paboritismo na kung saan puro kanta ng mga artista ng Viva (halimbawa, Jadine) ang laging pinapalabas roon. Magandang balita ito para sa akin na isang tagahanga ng musika lalong lalo na ang musikang sariling atin.

Ang Bestfriend Mo sa Bicol

Posible na bago matapos ang taong ito (di pa sigurado ng mahimyento ng RMN), magsisimula na sa himpapawid ang 91.1 IFM Naga. Ito ay dating DWNX RMN Naga na lumipat na sa AM 1611 kHz. Pero, naka-hook up muna ang IFM Naga sa 93.9 Manila hangga’t di pa ito ilo-launch (Base ito sa aking obserbasyon noong Mayo na kung saan dinaanan ng sinakyan kong bus papuntang Maynila mula dito sa Albay, ang Naga).

Chakuy Radio sa Spotify

Mapapakinggan na ang paborito mong mga kanta sa Chakuy Radio. I-follow niyo po ito sa Spotify, enjoy, and keep updated!

Chakuy Radio 1 – OPM

Chakuy Radio 2 – Foreign Popular

Chakuy Radio 3 – Easy Listening (As played on Home Radio and Easy Rock)

Other Gossips

Dahil may importanteng gawain muna ang inyong lingkod, ipagtutuloy ko ang paglalathala sa ika-11 ng Agosto, Biyernes ng gabi.

Chakuy Reaction No. 4

Rest In Peace, Chester Bennington

Natagpuang patay ang bokalista ng bandang Linkin Park na si Chester Bennington sa kanyang bahay sa estado ng California sa Amerika noong Biyernes ng madaling araw (oras sa Pilipinas). Kinumpirma ito ng kaniyang kapwa miyembro ng banda na si Mike Shinoda sa kanyang tweet.

Si Bennington at ang bandang Linkin Park ay nasa likod ng awiting “In The Head,” “Numb,” at ”Heavy.” Sa edad na 11, lulong na siya sa ipinagbabawal na gamot dahil naghiwalay ang kanyang magulang. Ayon sa ulat, gusto niyang magpakamatay dahil gusto niyang makasama ang kapwa mang-aawit na si Chris Chonell (Si Bennington ang kumanta ng awting “Halleluiah” sa libing ni Chonell) na namatay rin halos dalawang buwan na ang nakakaraan. Basahin ang aking tribute article para sa kanya tungkol sa buhay niya.

At bilang pag-alala sa kaniya, narito ang kanyang isa sa mga awitin na napakapamilyar sa akin:

Tawag ng Tanghalan to Tawag ng Kulungan

Inaresto at kinasuhan ng pagagahasa ang kampyonato ng “Tawag ng Tanghalan” ng programang “Showtime” na si Noven Belleza noong nakaraang linggo. Inaresto si Belleza sa konsiyerto ng komedyante na si Vice Ganda sa lungsod ng Cebu na kung siya isa siya sa mga magtatanghal roon. Ayon sa ulat, ginahasa niya ang isang babae sa banyo ng isang condo.

Naputulan Dahil Sa Cutting Class

Nakakadiri ang balita tungkol sa naputulan ng daliri ang estudyanteng high school sa Negros. Ayon sa ulat, naiihi daw ang binata kaya umakyat siya ng bakod at nakasabit ang singsing sa kawad ng alambre. Nang nasabit, agad namang naputulan siya ng daliri.

Other Gossips

Ito po ang transcipt ng SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.