#Pangako2018

Bagong taon, bagong buhay, bagong saya!

At sa pagsalubong sa taong ito ay ang mga pagbabago sa blog na ito.

Sa parating sa summer ay magkakaroon ng special blog na pinamagatang, Chakuy Throwback na kung saan babalikan ang mga kahit ano, sa radyo, telebisyon, o maging sa paligid.

Sa unang anibersaryo ng Chakuy Productions sa Abril ay may mahiwagang pagbabago, pagdating sa identidad nito.

May bagong posting schedule ang inyong Chakuy Productions:

  • Chakuy Reaction – simula Enero 20, kada Sabado
  • Chakuy Throwback – simula Abril

Sa aking sarili ay marami akong mga kamalian sa buhay kaya babaguhin ko na lang ito para sa taong ito. Gusto kong maging pokus sa negosyo ng aking mga magulang. Maging sa gawaing bahay. Susundin ko pa ang mga utos at payo nila. Hindi ko iispin ang hindi kanais-nais. Ayokong gumawa ng kamalian. Iispin ko ang aking pag-aaral, negosyo, at maging ang pinakaimportante, ang aking mga magulang. Sa pag-aaral, hindi ko muna iisipin ang tsismis. Iispin ko na lang ang leksyon ng aking guro. Pinaghihirapan ko kase ito upang magin maunlad ang buhay namin.

Mangyayari ito hindi lang ngayong taon, kundi sa mga susunod pang mga taon.

Maging manigo at masaya ang Bagong Taon, mga lodi!!!

Advertisements

Billboard Philippines Results (December 25-29, 2017)

(UPDATED) January 5, 2018 6:06 PM

Billboard Philippines Top 20 (Top 5) – December 25, 2017

Narito na ang limang sikat na awiting sariling atin mula sa Billboard Philippines.

1 – Titibo-Tibo – Moira dela Torre (=)

2 – Malaya – Moira dela Torre (=)

3 – Hayaan Mo Sila – Ex Battalion and OC Dawgs feat. JRoa (+3)

4 – Sundo – Moira dela Torre (=)

5 – Dahil Sa Iyo – Iñigo Pascual (-2)

Para sa kompletong resulta, maari niyong i-click ang link na ito.

Billboard Philippines K-Pop Top 5 – December 29, 2017

Anneong! Here are the five most popular K-Pop songs from Billboard Philippines.

1 – DNA – BTS (+1)

2 – Likey – Twice (+1)

3 – Mic Drop – BTS (-2)

4 – 고민보다 Go – BTS (RE-ENTRY)

5 – ‘피카부 (Peek-A-Boo) – Red Velvet (RE-ENTRY)

FALL-OUT:
4 – Stay With Me – Chanyeol and Punch
5 – Beautiful – Seventeen

Source: Billboard Philippines Website

#Pangyayari2017: Discussion Proper

Nagsimula ang taong ito sa ilang mga kasiyahan. Nariyan ang Miss Universe 2016 na ginanap dito sa Pilipinas sa ikatlong pagkakataon. Dalawang beses rin sa taong ito ginanap ang ASEAN Summit (noong Abril at Nobyembre) at pumunta muli si Canadian PM Justin Trudeau para sa naturang summit (nitong Nobyembre). Nakamit nina Karen Ibasco at Wynwyn Marquez ang pinapangarap nilang korona sa Miss Earth at Reina Hispanoamericana respectively. Naging trending ang toy gun scene sa Ika-6 Na Utos, isyu sa depresyon ni Joey de Leon, at iba pang mga kuwela sa radyo at telebisyon. Werpa, lodi, petmalu. Trending din sina Xander Ford (ang dating Marlou ng Hast5) at Jake Zyrus (ang dating Charice) Sino ang hindi makakalimot sa walang kamatayang Baby Shark, Versace on the Floor, Titibo-tibo, at Despacito? Lalong lalo na ang Taga Saan Ka, Ponytail, Doobi Doobi Dap Dap, Divisoria Challenge, at Spicy Noodle Challenge? May nakaalala rin sa pelikulang Kita Kita at 100 Tula Para Kay Stella.

Naging isyu dito sa ating lipunan sa taong ito ang extra judicial killings (pagpatay kina Kian delos Santos, Carl Angelo Arnaiz, at Kulot de Guzman), hazing case ni Horacio Castillo III, pagkalat ng mga pekeng balita (na ang promotor sa naturang isyu ay si Mocha Uson), isyu ng Philippine News Agency (katulad ng pagkamali sa logo ng DOLE na sa halip na logo mismo ng naturang ahensya, logo ng isang tatak ng katas ng pinya na nilagay) Dengvaxia vaccine, pag-bitiw sa pwesto ng ilang mga opisyal (tulad ni COMELEC Chairman Andres Bautista), at pag-reject sa pwesto nina Lopez ng DENR, Ubial ng DOH, at Taguiwalo ng DSWD. Naging isyu din ang pag-impeach sa Punong Mahistrado na si Maria Lourdes Sereno. Naging Presidential Spokesperson si Harry Roque kapalit ni Ernesto Abella. Kabi-kabila rin ang mga aberya sa MRT.

May lindol na nangyari sa taong ito sa Leyte at Batangas (noong summer). Nangyari din ang Bagyong Urduja at Vinta na rumagasa sa Eastern Visayas at ilang bahagi ng Mindanao respectively, nito lamang isang linggo. Sino ang hindi nakakalimot sa nangyari sa Marawi na kung saan maraming mga ari-arian at establisyemento ang nasira? Nagsimula ang gulong ito noong Mayo na ang layunin ng giyerang ito ay mapatay ang mga miyembro ng Maute Group. Naging matagumpay ang kanilang layunin. May nangyaring sunog sa casino ng Resorts World Manila (noong Hunyo) at NCCC Mall Davao (noong Disyembre 23). May aksidente rin sa kalsada ng La Union (noong araw ng Pasko), Nueva Ecija (noong summer), at Tanay, Rizal (noong Pebrero), maging aksidente sa karagatan na nangyari sa karagatan ng Quezon (noong isang linggo). Ang mga sunog, giyera sa Marawi, mga aksidente, mga bagyo, at mga lindol ay kumitil ng maraming mga buhay at ari-arian. And speaking of buhay, naging malungkot tayo sa pagpanaw ng ilang mga personalidad katulad nina Isabel Granada, Chester Bennington ng Linkin Park, Joe Taruc, Nicki Cleofe-Alejar, Amelyn Veloso, Hashtag Franco Hernandez, Alfie Lorenzo, Kim Jong Hyun ng Shinee, Willy Cruz, Chris Chronell, Tita Angge Tony Calvento, at marami pang iba.

Nawa’y maging aral ang mga pangyayaring naganap sa nakaraan para sa bagong taon. Manigong Bagong Taon, mga lodi!!

#Pangyayari2017: Top 5 in Music

Narito na ang limang trending na awitin ngayong taon sa pamamagitan ng aking obserbasyon.

Narito ang requirements para makapasok sa chart na ito.

  • Kailangan ang kantang ito ay ni-release sa taong ito.
  • Kailangan ang kantang ito ay hindi revival o cover.
  • Patok sa lahat.

Mixed

1 – Despacito – Luis Fonsi and Daddy Yankee feat. Justin Bieber

2 – Shape of You – Ed Sheeran

3 – Perfect – Ed Sheeran

4 – Titibo-tibo – Moira dela Torre

5 – Young, Dumb, and Broke – Khalid

OPM

Thank you, HP Music Charts for listing some OPM songs that I needed to make the chart complete.

1 – Titibo-tibo – Moira dela Torre

2 – Di Makatulog – SUD

3 – Mahika – TJ Monterde

4 – Bahaghari – Sponge Cola

5 – Malayo Na Tayo – Silent Sanctuary

List of 2017 Metro Manila Film Festival Entries

Filipinos spend Christmas by watching movies which is an official entry for an annual Metro Manila Film Festival. And today, just before you rush to the cinemas to watch those of eight entries, here they are:

All of You

Starring: Jennylyn Mercado and Derek Ramsay
Directed by: Dan Villegas
Produced by: Quantum Films and MJM Productions

Ang Larawan

Starring: Paulo Avelino, Joanna Ampil, and Rachel Alejandro
Directed by: Joy Areenas
Produced by: Culturtain and Solar Pictures

Ang Panday

Starring: Coco Martin
Directed by:Rodel Nacianceno
Produced by: CCM Creative Productions,Inc., Star Cinema and Viva Films

Deadma Walking

Starring: Edgar Allan Guzman and Joross Gamboa
Directed by: Julius Alfonso
Produced by: T-Rex Productions

Gandarrapiddo: The Revenger Squad

Starring: Vice Ganda, Pia Wurtzbach, and Daniel Padilla
Directed by: Bb. Joyce Bernal
Produced by: Star Cinema and Viva Films

Haunted Forest

Starring: Jon Lucas, James Blake, Maris Racal and Jane Oineza
Directed by: Ian Loreños
Produced by: Regal Films

Meant To Beh

Starring: Vic Sotto, Dawn Zulueta, and Sebastian “Baeby Baste” Benedict
Directed by: Chris Marinez
Produced by: OctoArts Films, M-Zet Productions, and APT Entertainment

Siargao

Starring: Erich Gonzales, Jericho Rosales and Jasmine Curtis-Smith
Directed by: Paul Soriano
Produced by: TEN17P

All of eight entries of Metro Manila Film Festival will be showed in all cinemas nationwide on Christmas Day. Awards Night will be on December 27, Wednesday. Movie producers will decide if their films will extend their showing and it will depend to the demand of a movie.

Have yourself a merry and wonderful Christmas in advance because tomorrow is my Christmas message.

Sources: Philstar.com and Philnews.ph

#Pangyayari2017: Top 3 Most Watched PHTV Shows of 2017

Narito na tatlong palabas sa telebisyon na karaniwang pinapanood ng mga Pilipino.

3 – La Luna Sangre

Sa ABS-CBN mapapanood ang bampiraserye na ito na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Nariyan din sina Mark Neumann (na dating taga-TV5), Angel Locsin at Richard Gutierez (pakitama niyo yung ispeling kung mali ako). Nagsimula ito noong second half nang taong ito at nag-click ito sa mga manonood. Continuation ito ng Lobo at Immortal.

2 – Ika-6 Na Utos

Ang kabitserye na ito na mapapanood tuwing hapon sa GMA ay pinagbibidahan nina Ryza Cenon, Sunshine Dizon, at Gabby Concepcion. Nariyan din si Angelika dela Cruz. Nagsimula ang naturang kabitserye noong nakaraang taon. Naging memorable sa naturang teleserye ang ilang mga eksena nito tulad ng paghawak ni Georgia ng toy gun, awayan sa escalator at pagpo-photocopy ni Emma sa mukha ng character ni Angelika. Naging mataas na ratings nito kaya na-extend ang pagpapalabas nito hanggang Sabado. Ito na ang most watched daytime drama series sa taong ito.

1 – Ang Probinsyano

Pinagbibidahan ni Coco Martin ang Probinsyano at nasa ikalawang taon na ito sa himpapawid na nagsimula noong Setyembre 2015. Dumarami ang mga bida sa naturang teleserye, kasama na riyan sina Bassilyo, at dating Senador Lito Lapid. Binabase sa mga napapanahong mga isyu sa lipunan ang naturang teleserye. Naging mataas rin ang ratings nito kaya ito na ang most watched primetime drama series sa taong ito at balak pang i-extend ang pagsasahimpapawid nito hanggang sa susunod na taon.

Narito ang mga ilang mga pangyayari sa PHTV:

  • Paglipat ng Light Network sa digital.
  • Pagsasanib-pwersa ng TV5 at ESPN para sa ESPN 5.
  • Pagbabago sa News5
  • Miss Universe 2016 na ginanap dito sa Pilipinas.

Bukas naman ay ang listahan mga pelikula na kasama sa paparating na Metro Manila Film Festival.

Billboard Philippines Results (December 18-22, 2017)

NOTE: Chakuy Reaction is on hiatus. This weekly habit will continue by January 15, 2018.

Billboard Philippines Top 20 (Top 5) – December 18, 2017

Narito na ang limang sikat na awiting sariling atin mula sa Billboard Philippines.

1 – Titibo-Tibo – Moira dela Torre (=)

2 – Malaya – Moira dela Torre (=)

3 – Dahil Sa Iyo – Iñigo Pascual (=)

4 – Sundo – Moira dela Torre (+1)

5 – Two Less Lonely People – KZ Tandingan (-1)

Para sa kompletong resulta, maari niyong i-click ang link na ito.

Billboard Philippines K-Pop Top 5 – December 22, 2017

Anneong! Here are the five most popular K-Pop songs from Billboard Philippines.

1 – Mic Drop – BTS (=)

2 – DNA – BTS (=)

3 – Likey – Twice (RE-ENTRY)

4 – Stay With Me – Chanyeol and Punch (=)

5 – Beautiful – Seventeen (-2)

FALL-OUT:
5 – ‘피카부 (Peek-A-Boo) – Red Velvet

Source: Billboard Philippines Website