Usapang Telco

Kamakailan ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address na palakasin ang connection ng internet sa Pilipinas at ang pagtatayo ng marami pang mga cell sites at public wi-fi sa mga pampublikong lugar. Majority sa lahat ng mga subscribers sa buong Pilipinas ay subscriber ng PLDT (Smart) habang pungalawa na lamang ang Globe. Narito ang iba pang mga telco na may kakaunti lamang ang subscribers nito, base sa mga obserbasyon at di talaga ako subscriber ng mga nabanggit ko sa ibaba. Globe at TNT lang ang SIM ko.

ABS-CBN Mobile

Noong 2013, sa pagdiriwang ng ika-60 taon ng pagkatatag ng ABS-CBN, itinatag ang isang virtual telco na para lamang sa mga solid Kapamilya. Powered ito ng Globe. Sa pagkakaalam ko, ni-launch ito pagkatapos nang rumagasa ang Bagyong Yolanda sa Visayas na kung saan naging problema sa kanila noon ang bagsak na komunikasyon.

Mga sumunod na taon nang naging demanded ang naturang telco nang dahil sa mga offer nila gaya ng KBO, IwanTV promos (meron din sa Smart at Globe GoWatch promos), VIP (na kung saan pwedeng manood ng ABS-CBN live programs at makasama ang iniidolong bituin) at ang latest, ang Thank You Rewards (sa pagtangkilik sa mga programa at serbisyo ng Dos, may points na naipon). Naging inclusion ito sa mga unit ng TV Plus.

Ayon sa kaklase ko na dating subscriber sa naturang telco, may disadvantage ang telcong ito due to the limited data used at limted promos (Kung sa Globe, do it yourself ang promo which is GoSakto o sa Smart naman ay mas malakas na koneksyon ng internet) kaya di na siya naging subscriber nito.

Cherry Prepaid

From the makers of Cherry Mobile, here’s Cherry Prepaid. Katulad ng ABS-CBN Mobile, powered rin ito ng Globe at included na ito sa lahat ng mga model ng Cherry Mobile. Meron silang mga promos na may kahalintulad rin sa Globe. Nasa minor stage pa sila ng telco industry.

Express Telecom

Noong late 90s hanggang early 2000s nang naging sikat ang Express Telecom at ewan ko kung sikat pa rin ito hanggang ngayon.

Ang mga telco na nabanggit ko ay nasa minor stage pa ngunit malabo yata silang makipagkompetensya dahil demanded na sa buong bansa ang Smart at Globe. Di ako fantard ng telco.

Chakuy Reaction No. 6

Wishful Success

Ngayong buwan ipinagdiriwang ng Wish 107.5 ang ika-3 anibersaryo. Nagsimula ito ang pag-ere nito noong taong 2014 kasabay ang pagkatatag ng isang mobile studio upang maikayat ang mga tagapakinig na manood rito nang live. Mas demanded ang kanilang YouTube channel (main at ang alternative, ginamit ng Wish ang alternative channel nila nang nawala ang kanilang main channel dahil sa isyu ng copyright).

May nakita ako sa Facebook na may “naninira” sa Wish FM. Gusto kase nila na “ibalik” ang tunog ng nowdefunct rock station na NU 107. Hindi ako sang-ayon sa ginagawa nilang “paninira”. Kung may nakakita po kayo na may naninira sa Wish FM, i-report niyo po kaagad sa Chakuy FB Page o sa kanilang FB Page mismo.

The Station Where He Belonged

Nitong Lunes, ika-7 ng Agosto nang binanggit ng komedyante na Vice Ganda tungkol sa GMA 7 sa isang kalahok sa segmentong Miss Q & A ng Showtime. Sinabi ni Vice na:

“Kung sinasabi na ang GMA ay Where You Belong, ba’t pa sila naglilipatan?”

Alam ko na si Vice ay dating taga-Siyete at ilang beses nang binabanggit ni Vice ang Siyete lalong lalo ang ang kalabang noontime show na Eat Bulaga.

Instant Bunot sa Sorsogon

Sa lalawigan ng Sorsogon, may isang mambubunot ng ngipin na sa loob lang ng ilang segundo, tanggal agad ang ngipin. Wala siyang nilalagyang anestesia o kayarom sa ngipin. Kailangan lang ng tapang upang matanggal ang sumasakit na ngipin. Pinalabas na po ito sa KMJS. Narito ang video:

Iba Pang Tsismis

Isang taon nang nasa himpapawid ang Catch 22 Pilipinas na mapapakinggan sa lahat na himpilan ng Love Radio, Yes The Best, at Easy Rock. Ngunit, napakapangit pakinggan kung sa Easy Rock dahil masyado nang magulo ang kanilang playlist. Nawawala na ang dating tunog at napunta na sa Home Radio. Kaya, mas maganda na tanggalin ang Catch 22 sa Easy Rock, at sa Love Radio at Yes The Best na lamang ito mapapakinggan. Dapat ayusin na ng MBC ang ginagawang “No. 1-kuno” ng Love Radio (dahil lamang na sa ratings ang MOR at Barangay kung sa Kalakhang Maynila babasehan, ngunit nangunguna sila sa Santiago, Butuan, Roxas, at Naga, at buti na lang shut up lang ang 99.5 Legazpi), “Millenial Choice-kuno” ng Yes The Best, at “Masanised Easy Listening” ng Easy Rock.

Chakuy Reaction No. 4

Rest In Peace, Chester Bennington

Natagpuang patay ang bokalista ng bandang Linkin Park na si Chester Bennington sa kanyang bahay sa estado ng California sa Amerika noong Biyernes ng madaling araw (oras sa Pilipinas). Kinumpirma ito ng kaniyang kapwa miyembro ng banda na si Mike Shinoda sa kanyang tweet.

Si Bennington at ang bandang Linkin Park ay nasa likod ng awiting “In The Head,” “Numb,” at ”Heavy.” Sa edad na 11, lulong na siya sa ipinagbabawal na gamot dahil naghiwalay ang kanyang magulang. Ayon sa ulat, gusto niyang magpakamatay dahil gusto niyang makasama ang kapwa mang-aawit na si Chris Chonell (Si Bennington ang kumanta ng awting “Halleluiah” sa libing ni Chonell) na namatay rin halos dalawang buwan na ang nakakaraan. Basahin ang aking tribute article para sa kanya tungkol sa buhay niya.

At bilang pag-alala sa kaniya, narito ang kanyang isa sa mga awitin na napakapamilyar sa akin:

Tawag ng Tanghalan to Tawag ng Kulungan

Inaresto at kinasuhan ng pagagahasa ang kampyonato ng “Tawag ng Tanghalan” ng programang “Showtime” na si Noven Belleza noong nakaraang linggo. Inaresto si Belleza sa konsiyerto ng komedyante na si Vice Ganda sa lungsod ng Cebu na kung siya isa siya sa mga magtatanghal roon. Ayon sa ulat, ginahasa niya ang isang babae sa banyo ng isang condo.

Naputulan Dahil Sa Cutting Class

Nakakadiri ang balita tungkol sa naputulan ng daliri ang estudyanteng high school sa Negros. Ayon sa ulat, naiihi daw ang binata kaya umakyat siya ng bakod at nakasabit ang singsing sa kawad ng alambre. Nang nasabit, agad namang naputulan siya ng daliri.

Other Gossips

Ito po ang transcipt ng SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Top 5 Eat Bulaga’s Discovered Personalities (Chakuy Productions Special Article for Eat Bulaga’s 38th Anniversary)

38 taon nang nagpapasaya sa buong bansa, mula sa RPN 9 (ngayon CNN PH) hanggang ABS-CBN hanggang sa kasalukuyang himpilan, ang GMA 7. At sa noontime show na ito nadiskubre ang ilan sa mga taong naging parte nito. Base po ito sa mga natatandaan ko habang nanonood ako ng nautrang noontime show sa nakalipas na 1 dekada (Minsan, Showtime ang pinapanood ko before, pero noong nagka-Tawag ng Tanghalan na ang naturang noontime show, nagshift na ako sa Eat Bulaga kase seryoso ang TNT nang dahil sa gong. Mga October na ako, pag anniversary week nila gagawa ako ng blog about Showtime)

5 – Aiza Seguerra

Noong 1987 nang nagi siyang finalist sa segmentong Little Miss Philippines. Meron siyang mga pelikula kasama si Vic Sotto at iba pa. Ngayon, tomboy na siya at National Youth Commision Chairman na. Maybahay na siya ni Liza Dino.

4 – BJ Forbes

Bata pa ako noong napanood ko si BJ o si Tolits sa TV noong mid-2000s (Preschool Days). Siya ay isa sa mga finalist ng That’s My Boy noong 2003. Natandaan ko na siya ay kasama ni John Prats sa horror-seryeng Moomoo and Me na pinalabas sa TV5 noong Ka-Shake era pa ito. Ngayon, host na siya ng isang programa sa PTV 4.

3 – Sexbomb Girls

Kamakailan, nag-reunion ang ilan sa mga membriyo ng Sexbomb Girls. Pamilyar ako sa naturang girl group dahil bago pa man nauso ang Pop Girls, meron nang Sexbomb. Pamilyar ako sa mga kanta nila gaya ng Laban o Bawi ( na pangalan rin ng game segment ng Bulaga) at Spaghetti. Ngayon, may ilan na miyembro na nag-over the bakod na sa ABS-CBN gaya ni Sunshine Garcia. May ilan rin na nananatili sa Kapuso gaya ni Rochelle Pangilinan. May ilan naman na may anak na at preggy naman si Jopay sa kanyang asawa. Kaya naman, kaniya-kaniyang buhay na sila.

2 – Ryzza Mae Dizon

2012 nang nanalo si Ryzza sa Little Miss Philippines. Sa taon na ito sumikat ang “Cha Cha Dabarkads”, na sinundan pa ng Look Up, I-Selfie Selfie Mo, at cover ng Joey de Leon’s Itatak Mo. May ilan siyang pelikula na karamihan ay nakasama niya si Vic Sotto. Ngayon, magti-teenager na siya (ewan ko kung Grade 6 or 7 na siya).

1 – Maine Mendoza

At ang nangunguna, ang reyna ng Dubsmash na si “Yaya Dub” or si Maine Mendoza o Nicomaine Dei Capilli Mendoza sa tunay na buhay. Summer 2015 nang naging viral ang kanyang mga Dubsmash videos na naging tulay ng kanyang pagiging host ng Eat Bulaga. July 16, 2015 nang nagsimula ang pagtatambal niya kay Alden Richards. Naging pahirap kay Alden na makita niya si Maine hanggang nakapiling na niya ito noong Oktobre 2015 sa kanilang benefit concert (ang pambili ng tiket na galing sa mga manonood ay mapupunta sa pondo para makompleto ang mga silid-aklatan sa mga piling lugar). At ngayon meron na silang 2 pelikula at isang teledrama. Deactivate na rin ang kanyang Twitter account nang dahil sa bashers.

Meron pa akong idadagdag. Sina Pauleen Luna-Sotto (na ngayo’y preggy na), Issa Pressman (nakababatang kapatid ni Yassi), Kris Angelica, Camille Prats, Jericho Rosales, Alice Dixson, Jilian Ward, at Goyong (IDK ang tunay na pangalan pero staff na siya ngayon sa Bulaga) ay ilan sa mga parte ng Eat Bulaga.

At dito nagtatapos ang bilangan. Congratulations to the men and women of Eat Bulaga! and T.A.P.E. Inc. Happy Anniversary sa “Pambansang Noontime Show aka Eat Bulaga!

AM Radio Market Is Now Declining

In a past a century of radio industry around the world and a past nine decades in the Philippines, radio is became a part of our source of news and entrtainment, but have you ever wonder the amplitude modulation or AM market in the Philippines?

In 1922, the now defunct KZKZ was launched. The said station was the first radio station in the Philippines. In 1939, KZRH (now DZRH) was also launced and it is now the oldest radio station in our country in the present times. In early 1940s, just before the Second World War, KZRC (now DYRC) was launched and it is now the oldest provincial station which is based in the city of Cebu. Here in the province of Albay, in mid-1950s Radyo Balagon was launched as a cable radio station that reaches the city of Legazpi and then-municipality of Tabaco and it finally converted as DZGB in early 1960s.

In the late 1970s until now, the FM market is continued to increased its popularity, but the AM market was starting to decreased its popularity. The reason is the demographics of listenership. The listeners from ages 50 and above enjoy listen AM radio stations, but the millenial age (10-35) enjoy listening to FM. The listeners in the age bracket of 35 to 50 enjoy listening both AM and FM or either of two. 

FM stations are now heard not only on the stereo, but also in the mobile phones (just connect the earphone on the phone and start listening). But, AM stations are not received in some stereos and all of the mobile phones due to the sound distortion. I saw some radio sets that only recieves AM like this in my relative’s house. Some of the programs on several AM stations are now seen on TV and on live streaming (including Facebook live streaming).

News is important to us by listening to any of the news radio stations on AM band, but due to the declining of AM, the news is also delivered to the FM market which is called “News FM”. In November 8, 2010, Radyo 5 92.3 News FM was started to dominate the Manila airwaves. Few years later, its counterpart like Brigada, Radyo Bandera, Muews Radio, One Radio – Radyo Ni Juan, Magnum Radio Cagayan de Oro, eMedia Zamboanga, and Farm Radio Naga, even Legazpi News FM stations like Sigaw News FM, Idol News FM, Radyo Oragon, Sigaw News FM, and Zagitsit also dominate the airwaves across the country. But the question, what will happen if the AM market will exist in the future? Here are the hypothesis:

  • Radio networks like Eagle (Net 25 and Pinas FM), Rajah (RJ TV and RJ 100.3), Progressive (UNTV and Wish 107.5) ABS-CBN (MOR, but DZMM is also seen on TV), and GMA (Barangay, but some of the programs on DZBB/Super Radyo are also seen on GMA News TV) will focus on FM and TV programming.
  • Radio networks like RPN (CNN Philippines), SMNI, CEBSI (INC TV), and Inquirer Broadcast Department (Radyo Inquirer) will focus on TV programming.
  • Radio networks like PBS (Radyo Pilipinas, FM1 and FM2) RMN (iFM), CMN (Spirit FM), MBC (DZRH, Love Radio, Yes The Best, Easy Rock, Aksyon Radyo, and Radyo Natin), Aliw (DWIZ and Home Radio), FEBC (Care 104.3 Legazpi and DZFE 98.7 Manila), RadioCorp, PBN (OK FM Naga and Legazpi), and Bombo Radyo (Star FM) will focus on FM programming only (MBC has DZRH News TV on cable TV).
  • Radio natworks which only have AM stations like Radyo Uno and Bantay Radyo will have a possibility to have a financial loss or they have to chance to move to FM to cater more audience.

We support the AM industry before they sign off in our memories.

​Paano Magsalita ang mga Personalidad Kapag Gumamit ng Waze? (Part 1)

Ang Waze ay isang navigation application software na kung saan magiging gabay ng mga tsuper sa kanilang pamamaneho. At ngayon, meron nang Waze na nagsasalita ng wikang Tagalog. At narito ang mga sasabihin ng mga personalidad pagnag-Waze (obviously, ako yung gumawa nito, hindi sila).

Mike Enriquez (From Cubao to GMA Network):  Mula sa Aurora Boulevard (coughing) Excuse me po! Kumaliwa ka sa EDSA, diretso lang Kapuso tapos pagnakita na ang GMA Network (coughing) Excuse me po, baba ka don sa may kanto ng Timog. Sigurado, di kita tatantanan!!

Gus Abergas (From Trinoma to ABS-CBN): Nasa EDSA North ka na, harap lang ng Trinoma, diretso ka ng EDSA, kumanan ka ng Mother Ignasia, at kumaliwa ka ng Sgt. Esguerra. Pagnakita mo na ang ABS-CBN Audience Entrance, baba ka na, at mabalita ka sa SOCO!!!

Papa Jackson (From SM Megamall to Ayala Center Makati): Mga pangga, ang pag-ibig ay parang Waze, minsan umaatras at minsan umaabante, pero mula sa Julia Vargas, kumanan ka sa EDSA then, U-turn ka sa may Ortigas then diretso lang diyan at kapag makita mo ang pempem este ang SM Makati, ayan bumaba ka sa may Arnaiz Avenue, at diyan mo hanapin ang ex mo. Iyan ang payo ko sa iyo.

Mocha Uson (from MOA to NAIA 3 via EDSA and Skyway): Mga b*b*, dumeretso ka diyan sa EDSA tapos kumanan ka dyan sa SEX este sa SLEX tapos kumanan ka sa may Andrews deretso hanggang makarating ka nang NAIA, gets mo??

Pangulong Duterte (from Luneta to CCP Complex-Vicente Sotto Street): Dumaan ka sa Roxas Boulevard tapos pagnakita mo ang CCP, doon kayo kumanan, pag di ka nagkanan, p*t*ng ina, p*p*t*yin kita.

Kris Aquino (from Araneta to Broadway – studio ng Eat Bulaga): Darla, pwede kang dumeretso ka sa may Aurora kase susunduin ko lang si Bimb, at diretso lang sa Broadway at hahanapin ko si Bimb.

Abangan ang Part 2 ng kasiyahan sa Chakuy Reaction No. 3 sa weekend.

NBA Finals Schedule

Golden State Warriors vs. Cleveland Cavaliers (my favorite NBA team dahil kay LeBron James)

GAME 1: June 2 @ 9 am (PH Time) – HC: GSW
GAME 2: June 5 @ 8 am (PH Time) – HC: GSW
GAME 3: June 8 @ 9 am (PH Time) – HC: Cavs
GAME 4: June 10 @ 9 am (PH Time) – HC: Cavs
GAME 5 (if necessary): June 13 @ 9 am (PH Time) – HC: GSW
GAME 6 (if necessary): June 16 @ 9 am (PH Time) – HC: Cavs
GAME 7 (if necessary): June 19 @ 8 am (PH Time) – HC: GSW

Mapapanood ng LIVE or VIA SATELLITE sa ABS-CBN at BTV, May replay nang 12 noon at 8 pm sa S+A Channel 23.