Chakuy Reaction No. 16

Billboard Philippines Top 20 (Top 5) – November 20, 2017

Narito na ang limang sikat na awiting sariling atin mula sa Billboard Philippines.

1 – Titibo-Tibo – Moira dela Torre (+1)

2 – Malaya – Moira dela Torre (-1)

3 – Dahil Sa Iyo – Iñigo Pascual (=)

4 – Awit Sa Marawi – Esang de Torres (+6)

5 – Two Less Lonely People – KZ Tandingan (-1)

Para sa kompletong resulta, pwedeng i-click ang link na ito.

Vice Ganda at Coco Martin in Legazpi

Sa araw na ito magmo-mall show si Coco Martin o si Cardo sa programang Probinsyano sa Ayala Mall para i-promote ang kaniyang pelikulang Panday na isa sa mga entry na papalapit na Metro Manila Film Festival pero bago nito ay magmo-motorcade muna siya sa ilang pangunahing kalsada sa Legazpi.

Kinabukasan ay concert ni Vice Ganda sa Ibalong Centrum for Recreation. Para sa tiket, sugod na sa pinakamalapit na ticket booth sa inyong lugar.

Kawawang Nanay

Napanood ko ang paghihirap ng isang nanay sa KMJS dahil magkasunod-sunod ang pagpanaw ng kaniyang tatlong anak dahil sa kanser. Una ang panganay na kung saan viral noon ang kasal nila ng kaniyang kasintahan bago siya binawian ng buhay. Ang ikalawa naamn ay ang chef na suki ng naturang programa at ang bunso.

Iba Pang Tsismis

Sa FB account ni Congressman Joey Salceda bumisita sa Legazpi ang Pop Girls member na si Rose van Ginkel para sa isang event sa isang paaralan roon.

At sa mga mahilig sa K-Pop, simula sa susunod na Linggo aking ipo-post ang Billboard Philippines K-Pop Top 5 dito sa Chakuy Reactions.

Advertisements

Chakuy Reaction No. 13

VP Leni sa Ayala

Expect the unexpected, ika nga. Noong araw ng Martes sa Ayala Mall, nakita ko yung kotse ng ABS-CBN at UNTV sa labas ng naturang mall. Pagpasok sa mall na ito ay nakita ko si Bise Presidente Leni Robredo sa entablado ng activity area ng naturang mall.

Pangyayari para sa Undas

Abangan sa araw ng Linggo ang horror-seryeng Kababalaghan na mapapanood sa ABS-CBN sa naturang araw, ika-3 at 15 minuto ng hapon, at ika-11 at 45 minuto ng gabi.

Dagsaan na rin ang mga Dabarkads o Madlang Pipol na pupunta ng sementeryo at mag-alay ng dasal para sa mga yumaong kamag-anak at mahal sa buhay.

Iba Pang Tsismis

Sa darating na 2018, ipapangako ng inyong Chakuy Productions ang pagsasaayos ng grammar sa wikang Ingles.

Nakita ko sa KMJS ang mga batang Badjao na nagsasayaw at nanglilimos sa mga jeepney sa Taytay, Rizal. Gusto ko ngang makita sila kung pupunta kami ng Maynila sa araw ng Pasko. Narito ang video:

Chakuy Reaction No. 8

Pambabastos ng Pambansang Awit

Kamakailan, naging viral sa social media ang isang video ng transgender woman na si Maria Sofia Love na kung saan binastos niya ang ating pambansang awit. Kaya naman, nagsampa ng reklamo ang National Historical Commission laban kay Love dahil rito. Labag sa batas ang pagbababoy ng ating pambansang awit na may parusang humigit lima hanggang dalawampung libong piso at pagkakulong nang isang taon, ayon sa Seksyon 38 at 50 ng Batas Republika Blg. 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines. Narito ang video:

ANG ATING PAMBANSANG AWIT AY PARA SA BAYAN AT HINDI PARA SA KALOKOHAN.

Fiesta sa Sto. Domingo

Ilang tulog na lang at papalapit na ang pista dito sa aking bayan. Ilan sa mga aktibidad sa naturang pista ay ang parada, peryahan, mga tindahan sa kalye (malapit sa palengke, parke, at LCC Express Mart) Binibining Sto. Domingo (di pa sigurado), at ang presentasyon ng mga mag-aaral ng CDLC (aking alma mater noong elementarya) at iba pang paaralan sa bayan. Kaya makipyesta na!!

Baby Shark

Mula sa Bastelicious, ang isa sa mga nauusong sayaw ngayon ay ang Baby Shark. Narito ang video:

Iba bang Tsismis

Kamakailan, naging UST Legazpi na ang Aquinas University sa Lungsod ng Legazpi. Kaya Congratulations, UST Legazpi for successful rebranding of that school.

At palapit na rin ang pagbubukas ng SM sa Legazpi sa susunod na taon. Sa susunod naman ay City Mall, Robinsons Mall, o Vista/Star Mall.

Chakuy Reaction No. 7

Manila Experience 2

Pagdating ko sa Maynila, nakinig ako sa Home Radio 97.9 at na-observe ko na iba pala ang playlist ng Home sa Maynila kaysa sa Legazpi pero may ilan na mape-play rin dito sa Legazpi. Sinubukan ko rin ang DTT na katulad rin ng TV Plus. Na-observe ko rin ang pirated radio stations katulad ng Radyo Kontra Droga at Radyo Kontra Weaboo.

Julianella, Their Movie, and The Station Where Thay Belong

Sa September 6 ipapalabas ang pelikula nina Ella Cruz at Julian Trono, ang Fanboy, Fangirl sa mga sinehan lalong lalo na sa Bichara, Gaisano, at Ayala. Pero kung magkakaroon sila teleserye, saang TV station sila gagawa nito? Since they are Viva talent (sa Viva, kahit saang istasyon sa TV, pwede), narito:

ABS-CBN

Pwede silang gumawa ng teleserye sa Dos makompetersya lang ang JaDine na taga-Viva rin.

GMA 7

Pwede rin sila sa GMA 7 dahil dati silang bida sa teleseryeng Super Twins.

TV5

Pwede rin sila sa TV5 through Wattpad Series

News TV at Iba Pa

Paano nga ba naging No. 1 News Channel ang News TV kahit may mga programa na hindi nasa News format? Dapat tanggalin ang mga programa na hindi nasa News Format katulad ng nabanggit sa isang artikulo especially mga K-Drama reruns, reruns ng mga documentaries at programs pero huwag ang mga programa ng Light Network dahil bukod sa partnership ng GMA with ZOE, ang News TV ay alternative for Light Network since nag-migrate ang Light through their digital broadcasting in the same frequency. Pwede ring ipalabas ang replay ng mga GMA Public Affairs programs katulad lang ng KMJS, I Witness, at Imbestigador.

Other Gossips

Abangan rin ang Limang Most-Annoying Segments sa Philippine Television sa buwan ng Oktobre para sa selebrasyon ng ika-64 na anibersyaro ng Philippine Television.

Chakuy Reaction No. 3

I have to apologize. Late po ako magpost due to some conflict.

Viva’s Newest Loveteam Invades The City


Bukod sa konsiyerto ng JaDine sa katapusan ng Hulyo, sa susunod nitong linggo, pupunta na rin sina Ella Cruz at Julian Trono (magiging second time si Julian sa Legazpi this year after maging guest siya sa konsiyerto ni Sarah Geronimo noong Mayo) para i-promote ang bago nilang pelikula na pinamagatang, Fanboy, Fangirl na ipapalabas sa buwan ng Setyembre. Magaganap ang kanilang mall show sa Ayala Mall dito sa Legazpi. Pero kung magkaroon sila ng teleserye, kaya ba nilang makipagsabayan sa JaDine?

Para sa music video ng awiting, “Isang Tingin, narito. Pwede niyo pong i-request sa 90.3 Kiss FM Sto. Domingo:

Paano Magsalita ang mga Personalidad Kapag Gumamit ng Waze? (Part 2)
Kung nabasa niyo ang Part 1 ng aking blog tungkol rito, dumeretso tayo sa Part 2, tulad ng unang parte, ako rin ang gumawa nito:

Babalu (from Divisoria to Baclaran): Mula sa Recto, wow, kumanan ka sa may Rizal Avenue tapos patulay ka pa-Taft deretso ka hanggang marating ang Baclaran, gets mo?

Papa Dudut (from GMA Network to Trinoma): Kabarangay, mula sa EDSA Timog, diretso ka ng North Avenue tapos pagnakita ang asul na pag-ibig este sa Trinoma, magpark ka at magbabalik ang Barangay Love Stories.

Boy Abunda (from ABS-CBN to Eton Centris): Kaibigan, usap tayo. Mula sa Kapamilya network, kaibigan, diretso tayo sa Mother Ignacia, tapos diretso lang hanggang kumaliwa ka sa EDSA tapos kaibigan, diretso lang hanggang marating lang ang Eton Centris. Usap tayo, kaibigan, sa labas!! Hihihihi!!!

Arnold Clavio (from GMA Network to SM North): Mga igan, diretso lang tayo sa EDSA hanggang marating ang SM North EDSA. At laging tayong alisto!!

Yung isa sa mga maskot sa Batibot (IDK ang pangalan) (from Cubao to SM Megamall): Mga bata, mula sa EDSA diretso lang hanggang marating lang ang SM Megamall.

Seizure Alert

Napanood ko sa KMJS ang nangyari di lang isa (yung napabalita), kundi sa dalawang bata na nagka-seizure. Sabi ng doktor, di daw ito sa sobrang paggamit ng gadget ang dahilan ng naturang sakit kundi sa liwanag mula rito. Narito ang video sa baba:

Other Gossips

Grabe, ang nangyaring malakas (magnitude 6? Di ko alaw ang eksakto) na lindol sa Leyte noong isang linggo, pero karamihan sa mga taga-roon ay nawalan ng mga bahay, kuryente, at tubig (sa kuryente at tubig, parang ayos na yun). Pero handa tayong lahat pag may parating na sakuna.

Sa Hulyo 24 na ang SONA ni Pangulong Duterte at aabangan ng bayan ang kanyang talumpati. Tulad ng nakaraang SONA, simple pa rin. Wala nang mala-Oscar na red carpet, esp. ang pabonggahan ng gown ng mga dadalo. Naalala ko noong mga nagdaang mga SONA ni Dating Pangulong Noynoy Aquino na pabonggahan ang mga isusuot ng mga dadalo. Mas magandang gown ay yung kina Kris Aquino, Heart Evangelista-Escudero, at Rep. Lucy Torres-Gomez. Pero ngayon, balewala na iyon.

Natawa pa ako sa report sa GMA noong Biyernes na ginawang Oktoberfest ang kalye ng EDSA-NLEX (Balintawak). Narito ang video:

Pinanood ko rin ang report ni Ted Failon tungkol sa Facebook Group na Bible Study of Pastor Hokage na gumagawa ng kalaswaan sa social media kaya dineny ko na lang ito.. Baka luamala pa….

CHAKUY SPECIAL ARTICLE: Manila Experience

Last week, on hiatus muna ang Chakuy Production para sa isang linggo ng aking bakasyon sa Metro Manila. Nakaka-enjoy ang pagpunta ko sa naturang lugar kasama ang aking nanay. Pumunta lang kami para bumili ng paninda sa tindahan ng nanay ko.

 

Second time ako pumunta sa Divisoria at bumili kami doon ng panindang damit at paying habang bumili kami sa Baclaran ng panindang sapatos na Marikina-made.

 

Nakita ko sina Jodi Sta. Maria at Joseph Marco sa mall show ng kanilang pelikula sa Vista Mall Taguig. Sayang, di ko nakita ang The Juans sa naturang mall dahil umuwi agad kami sa Bicol sa araw ng kanilang mall show. (Sa amin naman sa Bicol, pumunta doon ang Silent Sanctuary.)  First time akong pumunta ng Venice Mall sa McKinley. Naririnig ko yung mga kumakanta sa opera habang namamasyal sa naturang mall. Feeling ko, gusto kong bumalik ulit sa naturang mall. Pumuntsa rin kami ng dalawang beses sa Market! Market!

 

Sumakay na rin ako ng MRT at LRT ngunit marami akong kapalpakan diyan dahil sa makabagong teknolohiya gaya ng beep card. Masarap ring sumakay sa FX at taxi. Nagsa-soundtrip ako habang sumasakay diyan upang iwas-stress pag-traffic.

 

Umuwi kami agad para mabigyan ang aming tindahan. Nakakamiss ang aking pinsan na sina Liv at Jaz. I miss you!!

Top 3 Tsismis for This Week

DISCLAIMER: Ang opinyon o views sa naturang blog post at OPINYON LAMANG ng admin at hindi nakokonektado sa anumang organisasyon o ahensya. WALA PO AKONG MGA HARMFUL OPINIONS TUNGKOL SA MGA PERSONALIDAD. IN SHORT, HINDI PO ITO FAKE NEWS!!!

Narito ang tatlong tsismis na aking nakalap sa nakalipas na linggo:

3 – ASEAN SUMMIT

Ginanap dito sa Pilipinas noong Sabado ang pagtitipon ng mga lider ng 10 ASEAN member-states kabilang si Pangulong Duterte.  Pero bago muna ang engrandeng summit, pinag-aalis muna ang mga palaboy sa mga dadaanan ng mga delegado. Malaking tulong sa ating ekonomiya ang ASEAN, obviously.

2 – WEEKEND EVENTS IN LEGAZPI

Ginanap sa Ayala Mall ang not just one, but two events, ang singing contest na inorganisa ng Sky Direct satellite provider at ang modeling search na inorganisa ng LCC. Samantala, sa Gaisano Mall naman ginanap ang audition ng piling ABS-CBN shows at segment tulad ng “Tawag ng Tanghalan” segment ng “Showtime” at local franchise ng “Little Big Shots” (Ang host sa US version nito ay si Steve Harvey, yung nagsabi ng “I have to apologize” noong Miss Universe pageant taong 2015 at naging host ng sumunod na “Miss U” na ginanap dito sa Pilipinas). Kanina lamang nang pormal nang binuksan ang Daragang Magayon Festival na tatagal hanggang Mayo 31.

1 – PINUTOL NG MISIS ANG ARI NG ASAWA

Napanood ko kahapon sa KMJS ang nangyari sa Iloilo na kung saan pinutol ni misis ang ari ng kanyang mister. Natawa ako sa nangyari. Ito po ang video:

Bukod rito, nakaipon ang Team Metro Manila ng pinakamaraming medalya sa katatapos na Palarong Pambansa na ginanap sa Antique. At dito nagtatapos ang aking tsismis.