Chakuy Reaction No. 6

Wishful Success

Ngayong buwan ipinagdiriwang ng Wish 107.5 ang ika-3 anibersaryo. Nagsimula ito ang pag-ere nito noong taong 2014 kasabay ang pagkatatag ng isang mobile studio upang maikayat ang mga tagapakinig na manood rito nang live. Mas demanded ang kanilang YouTube channel (main at ang alternative, ginamit ng Wish ang alternative channel nila nang nawala ang kanilang main channel dahil sa isyu ng copyright).

May nakita ako sa Facebook na may “naninira” sa Wish FM. Gusto kase nila na “ibalik” ang tunog ng nowdefunct rock station na NU 107. Hindi ako sang-ayon sa ginagawa nilang “paninira”. Kung may nakakita po kayo na may naninira sa Wish FM, i-report niyo po kaagad sa Chakuy FB Page o sa kanilang FB Page mismo.

The Station Where He Belonged

Nitong Lunes, ika-7 ng Agosto nang binanggit ng komedyante na Vice Ganda tungkol sa GMA 7 sa isang kalahok sa segmentong Miss Q & A ng Showtime. Sinabi ni Vice na:

“Kung sinasabi na ang GMA ay Where You Belong, ba’t pa sila naglilipatan?”

Alam ko na si Vice ay dating taga-Siyete at ilang beses nang binabanggit ni Vice ang Siyete lalong lalo ang ang kalabang noontime show na Eat Bulaga.

Instant Bunot sa Sorsogon

Sa lalawigan ng Sorsogon, may isang mambubunot ng ngipin na sa loob lang ng ilang segundo, tanggal agad ang ngipin. Wala siyang nilalagyang anestesia o kayarom sa ngipin. Kailangan lang ng tapang upang matanggal ang sumasakit na ngipin. Pinalabas na po ito sa KMJS. Narito ang video:

Iba Pang Tsismis

Isang taon nang nasa himpapawid ang Catch 22 Pilipinas na mapapakinggan sa lahat na himpilan ng Love Radio, Yes The Best, at Easy Rock. Ngunit, napakapangit pakinggan kung sa Easy Rock dahil masyado nang magulo ang kanilang playlist. Nawawala na ang dating tunog at napunta na sa Home Radio. Kaya, mas maganda na tanggalin ang Catch 22 sa Easy Rock, at sa Love Radio at Yes The Best na lamang ito mapapakinggan. Dapat ayusin na ng MBC ang ginagawang “No. 1-kuno” ng Love Radio (dahil lamang na sa ratings ang MOR at Barangay kung sa Kalakhang Maynila babasehan, ngunit nangunguna sila sa Santiago, Butuan, Roxas, at Naga, at buti na lang shut up lang ang 99.5 Legazpi), “Millenial Choice-kuno” ng Yes The Best, at “Masanised Easy Listening” ng Easy Rock.

Top 5 Eat Bulaga’s Discovered Personalities (Chakuy Productions Special Article for Eat Bulaga’s 38th Anniversary)

38 taon nang nagpapasaya sa buong bansa, mula sa RPN 9 (ngayon CNN PH) hanggang ABS-CBN hanggang sa kasalukuyang himpilan, ang GMA 7. At sa noontime show na ito nadiskubre ang ilan sa mga taong naging parte nito. Base po ito sa mga natatandaan ko habang nanonood ako ng nautrang noontime show sa nakalipas na 1 dekada (Minsan, Showtime ang pinapanood ko before, pero noong nagka-Tawag ng Tanghalan na ang naturang noontime show, nagshift na ako sa Eat Bulaga kase seryoso ang TNT nang dahil sa gong. Mga October na ako, pag anniversary week nila gagawa ako ng blog about Showtime)

5 – Aiza Seguerra

Noong 1987 nang nagi siyang finalist sa segmentong Little Miss Philippines. Meron siyang mga pelikula kasama si Vic Sotto at iba pa. Ngayon, tomboy na siya at National Youth Commision Chairman na. Maybahay na siya ni Liza Dino.

4 – BJ Forbes

Bata pa ako noong napanood ko si BJ o si Tolits sa TV noong mid-2000s (Preschool Days). Siya ay isa sa mga finalist ng That’s My Boy noong 2003. Natandaan ko na siya ay kasama ni John Prats sa horror-seryeng Moomoo and Me na pinalabas sa TV5 noong Ka-Shake era pa ito. Ngayon, host na siya ng isang programa sa PTV 4.

3 – Sexbomb Girls

Kamakailan, nag-reunion ang ilan sa mga membriyo ng Sexbomb Girls. Pamilyar ako sa naturang girl group dahil bago pa man nauso ang Pop Girls, meron nang Sexbomb. Pamilyar ako sa mga kanta nila gaya ng Laban o Bawi ( na pangalan rin ng game segment ng Bulaga) at Spaghetti. Ngayon, may ilan na miyembro na nag-over the bakod na sa ABS-CBN gaya ni Sunshine Garcia. May ilan rin na nananatili sa Kapuso gaya ni Rochelle Pangilinan. May ilan naman na may anak na at preggy naman si Jopay sa kanyang asawa. Kaya naman, kaniya-kaniyang buhay na sila.

2 – Ryzza Mae Dizon

2012 nang nanalo si Ryzza sa Little Miss Philippines. Sa taon na ito sumikat ang “Cha Cha Dabarkads”, na sinundan pa ng Look Up, I-Selfie Selfie Mo, at cover ng Joey de Leon’s Itatak Mo. May ilan siyang pelikula na karamihan ay nakasama niya si Vic Sotto. Ngayon, magti-teenager na siya (ewan ko kung Grade 6 or 7 na siya).

1 – Maine Mendoza

At ang nangunguna, ang reyna ng Dubsmash na si “Yaya Dub” or si Maine Mendoza o Nicomaine Dei Capilli Mendoza sa tunay na buhay. Summer 2015 nang naging viral ang kanyang mga Dubsmash videos na naging tulay ng kanyang pagiging host ng Eat Bulaga. July 16, 2015 nang nagsimula ang pagtatambal niya kay Alden Richards. Naging pahirap kay Alden na makita niya si Maine hanggang nakapiling na niya ito noong Oktobre 2015 sa kanilang benefit concert (ang pambili ng tiket na galing sa mga manonood ay mapupunta sa pondo para makompleto ang mga silid-aklatan sa mga piling lugar). At ngayon meron na silang 2 pelikula at isang teledrama. Deactivate na rin ang kanyang Twitter account nang dahil sa bashers.

Meron pa akong idadagdag. Sina Pauleen Luna-Sotto (na ngayo’y preggy na), Issa Pressman (nakababatang kapatid ni Yassi), Kris Angelica, Camille Prats, Jericho Rosales, Alice Dixson, Jilian Ward, at Goyong (IDK ang tunay na pangalan pero staff na siya ngayon sa Bulaga) ay ilan sa mga parte ng Eat Bulaga.

At dito nagtatapos ang bilangan. Congratulations to the men and women of Eat Bulaga! and T.A.P.E. Inc. Happy Anniversary sa “Pambansang Noontime Show aka Eat Bulaga!

AM Radio Market Is Now Declining

In a past a century of radio industry around the world and a past nine decades in the Philippines, radio is became a part of our source of news and entrtainment, but have you ever wonder the amplitude modulation or AM market in the Philippines?

In 1922, the now defunct KZKZ was launched. The said station was the first radio station in the Philippines. In 1939, KZRH (now DZRH) was also launced and it is now the oldest radio station in our country in the present times. In early 1940s, just before the Second World War, KZRC (now DYRC) was launched and it is now the oldest provincial station which is based in the city of Cebu. Here in the province of Albay, in mid-1950s Radyo Balagon was launched as a cable radio station that reaches the city of Legazpi and then-municipality of Tabaco and it finally converted as DZGB in early 1960s.

In the late 1970s until now, the FM market is continued to increased its popularity, but the AM market was starting to decreased its popularity. The reason is the demographics of listenership. The listeners from ages 50 and above enjoy listen AM radio stations, but the millenial age (10-35) enjoy listening to FM. The listeners in the age bracket of 35 to 50 enjoy listening both AM and FM or either of two. 

FM stations are now heard not only on the stereo, but also in the mobile phones (just connect the earphone on the phone and start listening). But, AM stations are not received in some stereos and all of the mobile phones due to the sound distortion. I saw some radio sets that only recieves AM like this in my relative’s house. Some of the programs on several AM stations are now seen on TV and on live streaming (including Facebook live streaming).

News is important to us by listening to any of the news radio stations on AM band, but due to the declining of AM, the news is also delivered to the FM market which is called “News FM”. In November 8, 2010, Radyo 5 92.3 News FM was started to dominate the Manila airwaves. Few years later, its counterpart like Brigada, Radyo Bandera, Muews Radio, One Radio – Radyo Ni Juan, Magnum Radio Cagayan de Oro, eMedia Zamboanga, and Farm Radio Naga, even Legazpi News FM stations like Sigaw News FM, Idol News FM, Radyo Oragon, Sigaw News FM, and Zagitsit also dominate the airwaves across the country. But the question, what will happen if the AM market will exist in the future? Here are the hypothesis:

  • Radio networks like Eagle (Net 25 and Pinas FM), Rajah (RJ TV and RJ 100.3), Progressive (UNTV and Wish 107.5) ABS-CBN (MOR, but DZMM is also seen on TV), and GMA (Barangay, but some of the programs on DZBB/Super Radyo are also seen on GMA News TV) will focus on FM and TV programming.
  • Radio networks like RPN (CNN Philippines), SMNI, CEBSI (INC TV), and Inquirer Broadcast Department (Radyo Inquirer) will focus on TV programming.
  • Radio networks like PBS (Radyo Pilipinas, FM1 and FM2) RMN (iFM), CMN (Spirit FM), MBC (DZRH, Love Radio, Yes The Best, Easy Rock, Aksyon Radyo, and Radyo Natin), Aliw (DWIZ and Home Radio), FEBC (Care 104.3 Legazpi and DZFE 98.7 Manila), RadioCorp, PBN (OK FM Naga and Legazpi), and Bombo Radyo (Star FM) will focus on FM programming only (MBC has DZRH News TV on cable TV).
  • Radio natworks which only have AM stations like Radyo Uno and Bantay Radyo will have a possibility to have a financial loss or they have to chance to move to FM to cater more audience.

We support the AM industry before they sign off in our memories.

​Paano Magsalita ang mga Personalidad Kapag Gumamit ng Waze? (Part 1)

Ang Waze ay isang navigation application software na kung saan magiging gabay ng mga tsuper sa kanilang pamamaneho. At ngayon, meron nang Waze na nagsasalita ng wikang Tagalog. At narito ang mga sasabihin ng mga personalidad pagnag-Waze (obviously, ako yung gumawa nito, hindi sila).

Mike Enriquez (From Cubao to GMA Network):  Mula sa Aurora Boulevard (coughing) Excuse me po! Kumaliwa ka sa EDSA, diretso lang Kapuso tapos pagnakita na ang GMA Network (coughing) Excuse me po, baba ka don sa may kanto ng Timog. Sigurado, di kita tatantanan!!

Gus Abergas (From Trinoma to ABS-CBN): Nasa EDSA North ka na, harap lang ng Trinoma, diretso ka ng EDSA, kumanan ka ng Mother Ignasia, at kumaliwa ka ng Sgt. Esguerra. Pagnakita mo na ang ABS-CBN Audience Entrance, baba ka na, at mabalita ka sa SOCO!!!

Papa Jackson (From SM Megamall to Ayala Center Makati): Mga pangga, ang pag-ibig ay parang Waze, minsan umaatras at minsan umaabante, pero mula sa Julia Vargas, kumanan ka sa EDSA then, U-turn ka sa may Ortigas then diretso lang diyan at kapag makita mo ang pempem este ang SM Makati, ayan bumaba ka sa may Arnaiz Avenue, at diyan mo hanapin ang ex mo. Iyan ang payo ko sa iyo.

Mocha Uson (from MOA to NAIA 3 via EDSA and Skyway): Mga b*b*, dumeretso ka diyan sa EDSA tapos kumanan ka dyan sa SEX este sa SLEX tapos kumanan ka sa may Andrews deretso hanggang makarating ka nang NAIA, gets mo??

Pangulong Duterte (from Luneta to CCP Complex-Vicente Sotto Street): Dumaan ka sa Roxas Boulevard tapos pagnakita mo ang CCP, doon kayo kumanan, pag di ka nagkanan, p*t*ng ina, p*p*t*yin kita.

Kris Aquino (from Araneta to Broadway – studio ng Eat Bulaga): Darla, pwede kang dumeretso ka sa may Aurora kase susunduin ko lang si Bimb, at diretso lang sa Broadway at hahanapin ko si Bimb.

Abangan ang Part 2 ng kasiyahan sa Chakuy Reaction No. 3 sa weekend.

Chakuy Reaction No. 2

Pacquiao-Horn Update

Natalo ang ating Pambansang Kamao na si Sen. Manny Pacquiao kontra sa Awstralyanong boksingero na si Jeff Horn. Ginanap ang laban sa Suncorp Arena sa lungsod ng Brisbane sa estado ng Queensland sa Australia noong araw ng Linggo. Natalo ang Pambansang Kamao sa pamamagitan ng kamay ng mga hurado sa laban.

Home Radio, Back On Its Original Format

Para sa artikulo tungkol rito, pakibasa po ang blog post ko. Pwede ring basahin ang blog post ng From The Tube. Nakalipas ng mahigit tatlong taon, sa wakas, bumalik sa dating format na easy listening ang Home Radio noong Hunyo 30. Ito ay dahil bigo silang makipagkompetensya laban sa mga masa stations gaya ng Love Radio, MOR, at Barangay, at CHR stations gaya ng Magic, Monster, at Play. Masaya na ako rito dahil pwede na akong makinig rito habang gumagawa ng bago kong blog o gumagawa ng takdang aralin sa aking paaralan o inaayos ang aking research paper (junior high school version ng thesis). Doon ko pinakapakinggan ang mga nakaka-LSS na love song. Pag pumunta ako ng Metro Manila, kasama ko na ito sa saved station with Easy Rock and Wish 107.5. Dito ko na mapapakinggan ang mga kantang “I Know The Summer End,” “Arthur’s Theme,” at “Perfect Combination.” At namaalam din sa ere si DJ Alexa at ilan pang mga DJs ng “Home of the Millenial” era nang dahil sa reformat.


Para sa jingle, narito:

Bagong Kanta ni Sir Rex

Para di kayo maumay, narito ang awitin mula kay Sir Rex Kantatero.

Tanggalan sa Variety Show

Napanood ko sa Youtube na umalis si Tekla sa programa ni Wille Revillame nang dahil sa sugal at pagbalik sa dating gawi, ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Ayon ito kay Lolit Solis sa pahayagang Pilipino Star Ngayon at sa programang Showbiz Tsismis ng DZRH (nasa baba ang video). Vacation mode muna sa Eat Bulaga! si Jose Manalo.

Other Gossips

Napanood ko sa balita na ang sobrang paggamit ng gadget, nakaka-focal seizure daw. Narito ang report:

Philippine Radio Mid-Year Review

Noong umpisa ng taon ng umalis si Papa Jack sa Love Radio na naging kapalit niya ay ang social media sensation na si Lloyd Cadena. Then, ang pagkawala sa ere ng Business Radio 104.3 at naging FM2. Sumunod na buwan nang umalis si Papa Dan ng LS at nag-migrate sa Australia kung saan na siya nakabase. Naging kapalit niya si Papa Bol from 102.7 Gensan. Sumunod na buwan naman ng nagbalik sa bagong tahanan si Papa Jack sa Energy FM at naging si Papa J na kalauna’y naging si Papa Jackson. Pinalitan niya si Mr. Fu na lumipat sa Win Radio. Naging addition sa Pangga Network si Chico Loco. Sumunod na buwan nang nagbalik sa News TV ang “Dobol B sa News TV” na kung saan mapapanood na sa TV ang ilang mga programa sa DZBB. Naging 1 milyon ang subscribers ng original Wish 107.5 Youtube Channel, ngunit sa kasamaang palad, nawala ito dahil sa isyu ng copyright infringement at third party. Kaya naman, nagkaroon ulit ng panibagong YouTube channel na umabot ngayon sa mahigit 100 libong subscribers. Noong Mayo nang ni-launch ng Viva ang Halo-Halo Radio kapalit ang Oomph Radio. Tulad ng Pinas FM, ito ay isang all-time OPM Radio Station sa Cebu, Davao, at Zamboanga. Lumawak ang coverage ng Brigada at Bandera (radio station at hindi konektado sa tabloid na kapangalan nito) sa buong bansa. Lumipat ang Radyo Siram from 102.7 to 90.7 at naging Radyo Oragon. Ito ay dahil sa salitang “Siram” o “sarap” na palayaw ni Sir Joshua Martinez na nasa Home Radio na ngayon. And speaking of Home Radio, nagbalik na sila sa dati nilang format na Soft AC (Stress-Free, unlike Easy Rock na stress-free but they would be in “masanized” format). Nakita ko po sa isang FB Post sa PHRadio Group. And pagtune in ko sa Home Radio 92.3 Legazpi, back to stress-free na sila. Ewan ko sa ibang provincial stations aside sa Manila at Legazpi. I miss the old format of Home Radio. Nakaka-LSS ang jingle. Easy with Home Radio!!!

And I hope na nalaunched balang araw ang FM1 87.5.

Top 5 P-Pop Generation Artists (REPOST)

DISCLAIMER: Ang opinyon o views sa naturang blog post at OPINYON LAMANG ng admin at hindi nakokonektado sa anumang organisasyon o ahensya. WALA PO AKONG MGA HARMFUL OPINIONS TUNGKOL SA MGA PERSONALIDAD. IN SHORT, HINDI PO ITO FAKE NEWS!!!

OFF TOPIC: Ipopost ko sana ang second blog ko po tungkol sa programa nina Lloyd Cadena at Kara Karinyosa sa Love Radio pero naisipan ko na magbago para walang nega!!! Hehe!!

Marami akong mga facts tungkol sa P-Pop Generation base sa mga nababasa kong mga post or tweet sa social media.

Ang P-Pop Generation ay isang artist group na binuo ng Viva upang maikayat ang mga Pilipino na suportahan at tangkilikin ang OPM at maisalamin na tayo ay nasa talentadong bansa. At narito ang mga Top 5 artists ng P-Pop Generation.

5 – U GO GIRLS

Narinig ko ang awiting “Ikaw Na” ng grupong U Go Girls at nag-flashback sa akin ang mga kanta ng Viva Hot Babes at Sex Bomb. Ang grupong ito ay may 11 miyembro. Sorry po, di masayado akong familiar sa mga pangalan nila pero i-reply niyo na lang sa Twitter ko kung may alam kayo about this group and I will edit that(@PJBaloloy050501).

4 – AFTER 5

Nafeature ang grupong ito sa morning show ng GMA 7 na “Unang Hirit”. Pero aside kay Anne Ferrer, sinu-aino ang iba pang apat sa naturang grupo? I-tweet niyo sa aking Twitter.

3 – POP GIRLS

TRIVIA: Sina Shy Carlos at Nadine Lustre ay dating miyembro ng Pop Girls (pero 2014 nang umalis si Nadine sa grupo bago ipalabas sa sinehan ang “Diary ng Panget”).

Sino Rose Van Ginkel, Carlyn Ocampo (marami ang nagca-crush sa kaniya), at Aubrey Caraan ang tatlo sa mga limang miyembro ng grupong Pop Girls na familiar sa akin (Nalaman ko po ito sa Filipino Vines). Sino-sinong dalawa pa ang nasa Pop Girls, tweet me!!!

2 – THE JUANS

Isa sa mga pinakasikat na banda na nadiskubre ng Viva taong 2015. Sina Daniel (IDK ang apilyido, nalaman ko sa I-Juander episode kung saan sila natampok), Jiad Arroyo, Carl Guevarra, Jason de Mesa, at Japs Mendoza ang mga miyembro ng naturang grupo. Narinig ko yung kanta nila na “Prom” sa isang episode ng PBB kung saan nag-date sina Enrique Gil at Maymay Entrata sa bahay ni Kuya. Na-featured sila sa KMJS kasama si Gardo Versoza. At finally, pumasok ang kanilang kanta sa Catch 22 Pilipinas countdown. It is the one of my most familiar OPM bands, aside from SUD, Silent Sanctuary, Eraserheads, Gracenote, Moonstar88, BoybandPH, and Brownman Revival.

1 – JULIANELA

Ito na ang pinakasikat sa P-Pop Generation Squad, sina Ella Cruz (may selfie ang pinsan ko na kasama siya) at Julian Trono na binansagang “Princess and Pince of Dance Covers”. Nagsimula ang kanilang pagkakaibigan sa isang teledrama sa GMA 7. Naging bida si Ella sa “Aryana”, “Bagito” at “#Parangnormal Activity” (pinapanood ko dati dahil sa role niya as a pretty ghost. Bukod sa kaniya, bida rito sina Taki Saito (na nasa “Trops” at “Eat Bulaga”), Ryle Santiago (na miyembro ng “#Hashtag” ng “Showtime”), at Kiray). Samantala, nagging pamilyar ako kay Julian dahil sa “Wiki Me” na ni-release taong 2015.

At iyan ang mga 5 sikat sa P-Pop Generation at huwag kalimutan na i-like, subscribe, o sundan ang kanilang social media accounts para sa mga mall shows, happenings, at latest updates. I-follow niyo rina ng P-pop Generation playlist sa Viva Records Spotify Account. MAY ILANG MGA CONTENT NA DI KO MASYADONG ALAM, PWEDE NIYO PONG I TWEET SA AKING TWITTER ACCOUNT (@PJBaloloy050501) PERO BASAHIN NIYO MUNA ANG ARTICLE NA ITO BAGO PO KAYO MAG-REPLY.