#Pangyayari2017: Top 3 in PHRadio

Patapos na ang taong 2017 at ngayon ililista na ang tatlong pangyayari sa PHRadio na nakalap sa taong ito.

3 – Welcome Home

Noong Hunyo 30 nang binalik ng Aliw ang dating format ng Home Radio stations sa buong bansa. Ito ay matapos ang humigit tatlong taon sa pagiging masa at CHR. Ang nakakalungkot sa Legazpi station nito ay limitado ang kanilang broadcast hours (5am hanggang 10pm lang ang broadcast hours nila araw-araw). May news block sila tuwing umaga noong transition pa nito from CHR to Easy Listening pero noong Oktobre nang biglang nawala ang mga news and commentary programs at naging all time easy listening music station na ang Home.

2 – Pagbabago ng PBS

Noong Pebrero nang naging FM2 ang 104.3 Business Radio. Nakalipas ang ilang buwan ay naging RP1 ang Radyo Ng Bayan at naging RP2 naman ang Sports Radio. RP3 naman ang Radyo Magasin ngunit kalaunan ay nawala ito sa ere na parang bula. Noong Undas naman nang nag-test broadcast ang FM1 87.5 at inaasahan na magiging opisyal na ang pagsasahimpapawid nito sa susunod na taon.

1 – Over The Bakod

Narito ang ilang mga radio personalities na nagsilipatan sa ibang istasyon:

  • Papa Jackson (from Love to Energy)
  • Chico Loco (from Tag to Energy)
  • Ben at Erwin Tulfo (from Radyo 5/TV5 to RP1/PTV 4)
  • Weng dela Peña (from Brigada to RP1)
  • Justin Taylor (from Easy Rock to Energy)
  • Lloyd Cadena (from iFM to Love)
  • Mr. Fu (from Energy to Win)

Narito ang iba pang mga pangyayari sa PHRadio:

  • Naging Halo Halo Radio ang mga himpilan ng Oomph Radio sa Cebu, Davao, at Zamboanga.
  • Nagbalik sa himpapawid ng News TV ang DZBB Block na mapapanood tuwing umaga.

Bukas, abangan ang Top 3 Most Watched PHTV Shows of 2017.

Advertisements

Chakuy Reaction No. 5

Salita ni Admin

Bilang pagdiriwang sa taunang Buwan ng Wika ngayong Agosto. May pagka-wikang Filipino muna ang aking mga ilalatha sa loob ng buwang ito.

Nagbabalik ang MTVph!

Nagbalik na ang halos walong buwan na paghihintay, ang MTVph. Hindi kase ako natuwa sa panahon ng MTV Pinoy dahil sa diumano’y paboritismo na kung saan puro kanta ng mga artista ng Viva (halimbawa, Jadine) ang laging pinapalabas roon. Magandang balita ito para sa akin na isang tagahanga ng musika lalong lalo na ang musikang sariling atin.

Ang Bestfriend Mo sa Bicol

Posible na bago matapos ang taong ito (di pa sigurado ng mahimyento ng RMN), magsisimula na sa himpapawid ang 91.1 IFM Naga. Ito ay dating DWNX RMN Naga na lumipat na sa AM 1611 kHz. Pero, naka-hook up muna ang IFM Naga sa 93.9 Manila hangga’t di pa ito ilo-launch (Base ito sa aking obserbasyon noong Mayo na kung saan dinaanan ng sinakyan kong bus papuntang Maynila mula dito sa Albay, ang Naga).

Chakuy Radio sa Spotify

Mapapakinggan na ang paborito mong mga kanta sa Chakuy Radio. I-follow niyo po ito sa Spotify, enjoy, and keep updated!

Chakuy Radio 1 – OPM

Chakuy Radio 2 – Foreign Popular

Chakuy Radio 3 – Easy Listening (As played on Home Radio and Easy Rock)

Other Gossips

Dahil may importanteng gawain muna ang inyong lingkod, ipagtutuloy ko ang paglalathala sa ika-11 ng Agosto, Biyernes ng gabi.