Chakuy Reaction No. 6

Wishful Success

Ngayong buwan ipinagdiriwang ng Wish 107.5 ang ika-3 anibersaryo. Nagsimula ito ang pag-ere nito noong taong 2014 kasabay ang pagkatatag ng isang mobile studio upang maikayat ang mga tagapakinig na manood rito nang live. Mas demanded ang kanilang YouTube channel (main at ang alternative, ginamit ng Wish ang alternative channel nila nang nawala ang kanilang main channel dahil sa isyu ng copyright).

May nakita ako sa Facebook na may “naninira” sa Wish FM. Gusto kase nila na “ibalik” ang tunog ng nowdefunct rock station na NU 107. Hindi ako sang-ayon sa ginagawa nilang “paninira”. Kung may nakakita po kayo na may naninira sa Wish FM, i-report niyo po kaagad sa Chakuy FB Page o sa kanilang FB Page mismo.

The Station Where He Belonged

Nitong Lunes, ika-7 ng Agosto nang binanggit ng komedyante na Vice Ganda tungkol sa GMA 7 sa isang kalahok sa segmentong Miss Q & A ng Showtime. Sinabi ni Vice na:

“Kung sinasabi na ang GMA ay Where You Belong, ba’t pa sila naglilipatan?”

Alam ko na si Vice ay dating taga-Siyete at ilang beses nang binabanggit ni Vice ang Siyete lalong lalo ang ang kalabang noontime show na Eat Bulaga.

Instant Bunot sa Sorsogon

Sa lalawigan ng Sorsogon, may isang mambubunot ng ngipin na sa loob lang ng ilang segundo, tanggal agad ang ngipin. Wala siyang nilalagyang anestesia o kayarom sa ngipin. Kailangan lang ng tapang upang matanggal ang sumasakit na ngipin. Pinalabas na po ito sa KMJS. Narito ang video:

Iba Pang Tsismis

Isang taon nang nasa himpapawid ang Catch 22 Pilipinas na mapapakinggan sa lahat na himpilan ng Love Radio, Yes The Best, at Easy Rock. Ngunit, napakapangit pakinggan kung sa Easy Rock dahil masyado nang magulo ang kanilang playlist. Nawawala na ang dating tunog at napunta na sa Home Radio. Kaya, mas maganda na tanggalin ang Catch 22 sa Easy Rock, at sa Love Radio at Yes The Best na lamang ito mapapakinggan. Dapat ayusin na ng MBC ang ginagawang “No. 1-kuno” ng Love Radio (dahil lamang na sa ratings ang MOR at Barangay kung sa Kalakhang Maynila babasehan, ngunit nangunguna sila sa Santiago, Butuan, Roxas, at Naga, at buti na lang shut up lang ang 99.5 Legazpi), “Millenial Choice-kuno” ng Yes The Best, at “Masanised Easy Listening” ng Easy Rock.

Advertisements

Chakuy Reaction No. 3

I have to apologize. Late po ako magpost due to some conflict.

Viva’s Newest Loveteam Invades The City


Bukod sa konsiyerto ng JaDine sa katapusan ng Hulyo, sa susunod nitong linggo, pupunta na rin sina Ella Cruz at Julian Trono (magiging second time si Julian sa Legazpi this year after maging guest siya sa konsiyerto ni Sarah Geronimo noong Mayo) para i-promote ang bago nilang pelikula na pinamagatang, Fanboy, Fangirl na ipapalabas sa buwan ng Setyembre. Magaganap ang kanilang mall show sa Ayala Mall dito sa Legazpi. Pero kung magkaroon sila ng teleserye, kaya ba nilang makipagsabayan sa JaDine?

Para sa music video ng awiting, “Isang Tingin, narito. Pwede niyo pong i-request sa 90.3 Kiss FM Sto. Domingo:

Paano Magsalita ang mga Personalidad Kapag Gumamit ng Waze? (Part 2)
Kung nabasa niyo ang Part 1 ng aking blog tungkol rito, dumeretso tayo sa Part 2, tulad ng unang parte, ako rin ang gumawa nito:

Babalu (from Divisoria to Baclaran): Mula sa Recto, wow, kumanan ka sa may Rizal Avenue tapos patulay ka pa-Taft deretso ka hanggang marating ang Baclaran, gets mo?

Papa Dudut (from GMA Network to Trinoma): Kabarangay, mula sa EDSA Timog, diretso ka ng North Avenue tapos pagnakita ang asul na pag-ibig este sa Trinoma, magpark ka at magbabalik ang Barangay Love Stories.

Boy Abunda (from ABS-CBN to Eton Centris): Kaibigan, usap tayo. Mula sa Kapamilya network, kaibigan, diretso tayo sa Mother Ignacia, tapos diretso lang hanggang kumaliwa ka sa EDSA tapos kaibigan, diretso lang hanggang marating lang ang Eton Centris. Usap tayo, kaibigan, sa labas!! Hihihihi!!!

Arnold Clavio (from GMA Network to SM North): Mga igan, diretso lang tayo sa EDSA hanggang marating ang SM North EDSA. At laging tayong alisto!!

Yung isa sa mga maskot sa Batibot (IDK ang pangalan) (from Cubao to SM Megamall): Mga bata, mula sa EDSA diretso lang hanggang marating lang ang SM Megamall.

Seizure Alert

Napanood ko sa KMJS ang nangyari di lang isa (yung napabalita), kundi sa dalawang bata na nagka-seizure. Sabi ng doktor, di daw ito sa sobrang paggamit ng gadget ang dahilan ng naturang sakit kundi sa liwanag mula rito. Narito ang video sa baba:

Other Gossips

Grabe, ang nangyaring malakas (magnitude 6? Di ko alaw ang eksakto) na lindol sa Leyte noong isang linggo, pero karamihan sa mga taga-roon ay nawalan ng mga bahay, kuryente, at tubig (sa kuryente at tubig, parang ayos na yun). Pero handa tayong lahat pag may parating na sakuna.

Sa Hulyo 24 na ang SONA ni Pangulong Duterte at aabangan ng bayan ang kanyang talumpati. Tulad ng nakaraang SONA, simple pa rin. Wala nang mala-Oscar na red carpet, esp. ang pabonggahan ng gown ng mga dadalo. Naalala ko noong mga nagdaang mga SONA ni Dating Pangulong Noynoy Aquino na pabonggahan ang mga isusuot ng mga dadalo. Mas magandang gown ay yung kina Kris Aquino, Heart Evangelista-Escudero, at Rep. Lucy Torres-Gomez. Pero ngayon, balewala na iyon.

Natawa pa ako sa report sa GMA noong Biyernes na ginawang Oktoberfest ang kalye ng EDSA-NLEX (Balintawak). Narito ang video:

Pinanood ko rin ang report ni Ted Failon tungkol sa Facebook Group na Bible Study of Pastor Hokage na gumagawa ng kalaswaan sa social media kaya dineny ko na lang ito.. Baka luamala pa….

Top 3 Tsismis for This Week

DISCLAIMER: Ang opinyon o views sa naturang blog post at OPINYON LAMANG ng admin at hindi nakokonektado sa anumang organisasyon o ahensya. WALA PO AKONG MGA HARMFUL OPINIONS TUNGKOL SA MGA PERSONALIDAD. IN SHORT, HINDI PO ITO FAKE NEWS!!!

Narito ang tatlong tsismis na aking nakalap sa nakalipas na linggo:

3 – ASEAN SUMMIT

Ginanap dito sa Pilipinas noong Sabado ang pagtitipon ng mga lider ng 10 ASEAN member-states kabilang si Pangulong Duterte.  Pero bago muna ang engrandeng summit, pinag-aalis muna ang mga palaboy sa mga dadaanan ng mga delegado. Malaking tulong sa ating ekonomiya ang ASEAN, obviously.

2 – WEEKEND EVENTS IN LEGAZPI

Ginanap sa Ayala Mall ang not just one, but two events, ang singing contest na inorganisa ng Sky Direct satellite provider at ang modeling search na inorganisa ng LCC. Samantala, sa Gaisano Mall naman ginanap ang audition ng piling ABS-CBN shows at segment tulad ng “Tawag ng Tanghalan” segment ng “Showtime” at local franchise ng “Little Big Shots” (Ang host sa US version nito ay si Steve Harvey, yung nagsabi ng “I have to apologize” noong Miss Universe pageant taong 2015 at naging host ng sumunod na “Miss U” na ginanap dito sa Pilipinas). Kanina lamang nang pormal nang binuksan ang Daragang Magayon Festival na tatagal hanggang Mayo 31.

1 – PINUTOL NG MISIS ANG ARI NG ASAWA

Napanood ko kahapon sa KMJS ang nangyari sa Iloilo na kung saan pinutol ni misis ang ari ng kanyang mister. Natawa ako sa nangyari. Ito po ang video:

Bukod rito, nakaipon ang Team Metro Manila ng pinakamaraming medalya sa katatapos na Palarong Pambansa na ginanap sa Antique. At dito nagtatapos ang aking tsismis.