Chakuy Reaction No. 6

Wishful Success

Ngayong buwan ipinagdiriwang ng Wish 107.5 ang ika-3 anibersaryo. Nagsimula ito ang pag-ere nito noong taong 2014 kasabay ang pagkatatag ng isang mobile studio upang maikayat ang mga tagapakinig na manood rito nang live. Mas demanded ang kanilang YouTube channel (main at ang alternative, ginamit ng Wish ang alternative channel nila nang nawala ang kanilang main channel dahil sa isyu ng copyright).

May nakita ako sa Facebook na may “naninira” sa Wish FM. Gusto kase nila na “ibalik” ang tunog ng nowdefunct rock station na NU 107. Hindi ako sang-ayon sa ginagawa nilang “paninira”. Kung may nakakita po kayo na may naninira sa Wish FM, i-report niyo po kaagad sa Chakuy FB Page o sa kanilang FB Page mismo.

The Station Where He Belonged

Nitong Lunes, ika-7 ng Agosto nang binanggit ng komedyante na Vice Ganda tungkol sa GMA 7 sa isang kalahok sa segmentong Miss Q & A ng Showtime. Sinabi ni Vice na:

“Kung sinasabi na ang GMA ay Where You Belong, ba’t pa sila naglilipatan?”

Alam ko na si Vice ay dating taga-Siyete at ilang beses nang binabanggit ni Vice ang Siyete lalong lalo ang ang kalabang noontime show na Eat Bulaga.

Instant Bunot sa Sorsogon

Sa lalawigan ng Sorsogon, may isang mambubunot ng ngipin na sa loob lang ng ilang segundo, tanggal agad ang ngipin. Wala siyang nilalagyang anestesia o kayarom sa ngipin. Kailangan lang ng tapang upang matanggal ang sumasakit na ngipin. Pinalabas na po ito sa KMJS. Narito ang video:

Iba Pang Tsismis

Isang taon nang nasa himpapawid ang Catch 22 Pilipinas na mapapakinggan sa lahat na himpilan ng Love Radio, Yes The Best, at Easy Rock. Ngunit, napakapangit pakinggan kung sa Easy Rock dahil masyado nang magulo ang kanilang playlist. Nawawala na ang dating tunog at napunta na sa Home Radio. Kaya, mas maganda na tanggalin ang Catch 22 sa Easy Rock, at sa Love Radio at Yes The Best na lamang ito mapapakinggan. Dapat ayusin na ng MBC ang ginagawang “No. 1-kuno” ng Love Radio (dahil lamang na sa ratings ang MOR at Barangay kung sa Kalakhang Maynila babasehan, ngunit nangunguna sila sa Santiago, Butuan, Roxas, at Naga, at buti na lang shut up lang ang 99.5 Legazpi), “Millenial Choice-kuno” ng Yes The Best, at “Masanised Easy Listening” ng Easy Rock.

Philippine Radio Mid-Year Review

Noong umpisa ng taon ng umalis si Papa Jack sa Love Radio na naging kapalit niya ay ang social media sensation na si Lloyd Cadena. Then, ang pagkawala sa ere ng Business Radio 104.3 at naging FM2. Sumunod na buwan nang umalis si Papa Dan ng LS at nag-migrate sa Australia kung saan na siya nakabase. Naging kapalit niya si Papa Bol from 102.7 Gensan. Sumunod na buwan naman ng nagbalik sa bagong tahanan si Papa Jack sa Energy FM at naging si Papa J na kalauna’y naging si Papa Jackson. Pinalitan niya si Mr. Fu na lumipat sa Win Radio. Naging addition sa Pangga Network si Chico Loco. Sumunod na buwan nang nagbalik sa News TV ang “Dobol B sa News TV” na kung saan mapapanood na sa TV ang ilang mga programa sa DZBB. Naging 1 milyon ang subscribers ng original Wish 107.5 Youtube Channel, ngunit sa kasamaang palad, nawala ito dahil sa isyu ng copyright infringement at third party. Kaya naman, nagkaroon ulit ng panibagong YouTube channel na umabot ngayon sa mahigit 100 libong subscribers. Noong Mayo nang ni-launch ng Viva ang Halo-Halo Radio kapalit ang Oomph Radio. Tulad ng Pinas FM, ito ay isang all-time OPM Radio Station sa Cebu, Davao, at Zamboanga. Lumawak ang coverage ng Brigada at Bandera (radio station at hindi konektado sa tabloid na kapangalan nito) sa buong bansa. Lumipat ang Radyo Siram from 102.7 to 90.7 at naging Radyo Oragon. Ito ay dahil sa salitang “Siram” o “sarap” na palayaw ni Sir Joshua Martinez na nasa Home Radio na ngayon. And speaking of Home Radio, nagbalik na sila sa dati nilang format na Soft AC (Stress-Free, unlike Easy Rock na stress-free but they would be in “masanized” format). Nakita ko po sa isang FB Post sa PHRadio Group. And pagtune in ko sa Home Radio 92.3 Legazpi, back to stress-free na sila. Ewan ko sa ibang provincial stations aside sa Manila at Legazpi. I miss the old format of Home Radio. Nakaka-LSS ang jingle. Easy with Home Radio!!!

And I hope na nalaunched balang araw ang FM1 87.5.

Radyo Oragon Starting to Air

This is not a hoax. This is my opinionative post.

Noong isang linggo nang namaalam sa ere ang 102.7 Radyo Siram kasunod ng paglipat ng frequency from 102.7 to 90.7 and rebranded as “Radyo Oragon” pero anong possible na radio station ang papalit sa dating frequency ng Siram (“siram” is Bicol word which means “delicious”). Kung ako ang nagtatrabaho sa naturang mga istasyon, gagawin ko ito…

Brigada (for Tabaco) or Bandera (for Legazpi)

Pwedeng ilipat sa Tabaco ang 102.7 at gawing Brigada dahil nasasapawan ng interference ang Brigada Legazpi 91.5 sa Tabaco with local station, One Radio 91.3. Pwede ring magkaroon ng Bandera sa Legazpi.

MBC Radio Station

Possibly either Yes The Best, Easy Rock, or Radyo Natin ang pwedeng ipalit sa naturang frequency sa Legazpi. May Love naman e…

Magic

Possibly, Magic ang pwede para may kalaban ang Home at Spirit. Malabong magka-Halo Halo Radio dahil sa VisMin lang ang kanilang tinatarget. Pwede rin ang Monster.

Para magkatotoo ang mga ito, hintayin na lang ang pinal na desisyon mula sa mga radio networks…

The Millenial Choice-kuno

DISCLAIMER: Ang opinyon o views sa naturang blog post at OPINYON LAMANG ng admin at hindi nakokonektado sa anumang organisasyon o ahensya. WALA PO AKONG MGA HARMFUL OPINIONS TUNGKOL SA MGA PERSONALIDAD. IN SHORT, HINDI PO ITO FAKE NEWS!!!

RELATED POST KO PO MULA SA “FROM THE TUBE” ARTICLE TUNGKOL RITO.

Sino ba po diyan na naniniwala sa slogan ng Yes! The Best na “The Millenial Choice”? E ako hindi ako naniniwala diyan dahil may mga love songs na pinapatugtog roon, kaya “copy-cat” pa rin po sila ng Love Radio. Kailangan ng mga DJs at staff ng Yes! The Best ng training katulad ng mga sumusunod:

LAHAT NG KANILANG IPE-PLAY AY CONTEMPORARY HITS

Kailangan nilang mag-play ng contemporary hits (foreign man or OPM) sa buong araw ngunit kailangan rin nila na maglaan ng Throwback hits (from mid-90s to mid-2000s), tulad ng ginagawa ng Magic, Play FM, at Home Radio, any of the day of the week.

MATUTONG MAG-INGLES ANG MGA DJS

Gaya ng sister station na Easy Rock, kailangan rin ang mga DJs na matutong mag-Ingles upang makipagsabayan sila sa Magic, Play, at Home.

BAGUHIN ANG PLUGS OR BUMPERS

Iwasan nila ang paggamit ng mga plugs or bumpers na karaniwang ginagamit ng Love Radio. Pwede nilang gamitin ang “Broadcasting live from (Location), this is Manila Broadcasting Company station (frequency) Yes! The Best, followed by a plug or bumper.

At dito nagtatapos ang pagpayo ko sa Yes! The Best. Paraan ito upang mas maunawaan ng mga tagapakinig kung “The Millenial Choice” talaga ang himpilan.