Chakuy Reaction No. 15

Billboard Philippines Top 20 (Top 5) – November 13, 2017

Narito na ang limang sikat na awiting sariling atin mula sa Billboard Philippines.

1 – Malaya – Moira dela Torre (=)

2 – Titibo-tibo – Moira dela Torre (+1)

3 – Dahil Sa Iyo – Iñigo Pascual (-1)

4 – Two Less Lonely People – KZ Tandingan (+3)

5 – Mahal Ko O Mahal Ako – KZ Tandingan (+1)

Para sa kompletong resulta, pwedeng i-click ang link na ito.

ASEAN 2017 Review

Sa unang araw ng naturang summit nangyari ang pagsalubong sa mga delegado para sa ikalawang bahagi ng ASEAN summit dito sa Pilipinas ngayong taon. Kabilang sa mga dumalo sa naturang pagtitipon ay sina Pangulong Donald Trump ng Amerika, Punong Ministro Justin Trudeau ng Canada, at Punong Ministro Shinzo Abe ng bansang Hapon Kasama rin ang 10 lider ng mga bansang kasapi ng ASEAN, kasama si Pangulong Duterte. Naghapunan sila sa SMX Convention Center sa MOA Complex. Kumanta si Duterte ng awiting “Ikaw” na ni-request ni Trump.

Sa mga sumunod na dalawang araw nagpulong ang mga lider ng bansang kasapi ng ASEAN kasama ang mga dialogue partners gaya ng Amerika, Timog Korea, Hapon, at India. Kanilang tinalakay ang suliranin sa South China Sea, banta ng missile sa North Korea, suliranin sa Myanmar, at iba pa. Natapos ang summit sa pagpasa ng chairmanship nito sa bansang Singapore. Paalala: Kung napansin niyo po na mali ang ilang mga impormasyon o grammar, pwede mo pong i-comment sa baba at akin ko pong iaayos. Videos from Youtube will be posted nearly later.

Iba Pang Tsismis

Naaawa na ako sa mga balita tungkol sa mga aberya ng MRT kasama ang naputulan ng braso at ang nakasabit na diaper sa kable nito. Sana nga maayos na ang MRT para sa kapakanan at sana nga maging arala sa iba ang mga aberya na ito para sa kaligtasan ng bawat isa.

Advertisements

Chakuy Reaction No. 7

Manila Experience 2

Pagdating ko sa Maynila, nakinig ako sa Home Radio 97.9 at na-observe ko na iba pala ang playlist ng Home sa Maynila kaysa sa Legazpi pero may ilan na mape-play rin dito sa Legazpi. Sinubukan ko rin ang DTT na katulad rin ng TV Plus. Na-observe ko rin ang pirated radio stations katulad ng Radyo Kontra Droga at Radyo Kontra Weaboo.

Julianella, Their Movie, and The Station Where Thay Belong

Sa September 6 ipapalabas ang pelikula nina Ella Cruz at Julian Trono, ang Fanboy, Fangirl sa mga sinehan lalong lalo na sa Bichara, Gaisano, at Ayala. Pero kung magkakaroon sila teleserye, saang TV station sila gagawa nito? Since they are Viva talent (sa Viva, kahit saang istasyon sa TV, pwede), narito:

ABS-CBN

Pwede silang gumawa ng teleserye sa Dos makompetersya lang ang JaDine na taga-Viva rin.

GMA 7

Pwede rin sila sa GMA 7 dahil dati silang bida sa teleseryeng Super Twins.

TV5

Pwede rin sila sa TV5 through Wattpad Series

News TV at Iba Pa

Paano nga ba naging No. 1 News Channel ang News TV kahit may mga programa na hindi nasa News format? Dapat tanggalin ang mga programa na hindi nasa News Format katulad ng nabanggit sa isang artikulo especially mga K-Drama reruns, reruns ng mga documentaries at programs pero huwag ang mga programa ng Light Network dahil bukod sa partnership ng GMA with ZOE, ang News TV ay alternative for Light Network since nag-migrate ang Light through their digital broadcasting in the same frequency. Pwede ring ipalabas ang replay ng mga GMA Public Affairs programs katulad lang ng KMJS, I Witness, at Imbestigador.

Other Gossips

Abangan rin ang Limang Most-Annoying Segments sa Philippine Television sa buwan ng Oktobre para sa selebrasyon ng ika-64 na anibersyaro ng Philippine Television.

Chakuy Reaction No. 1

Ano ang Chakuy Reaction?

Ang Chakuy Reaction ay ang panglingguhang diary-based blog article segment at segmentong artikulong pormal ng inyong Chakuy Productions. Dito nilalabas ang opinyon at saloobin ng admin. At ngayon, sisimulan ko na ang paglalahad ng impormasyon.

OJD (or Obssesive JaDine Disorder) Spreads the City

Noong nakaraang linggo, inanunsyo ng Viva Live ang pagkakaroong ng konsiyerto nina James Reid at Nadine Lustre diyan sa Lungsod ng Legazpi sa ika-29 ng Hulyo. Gaganapin po ito sa Ibalong Centrum for Recreation. Makakasama rin nila ang Manila-based girl group na Pop Girls, G-Force, at Ronnie Liang (na nasa likod ng awiting “Ngiti”). Para po sa ticket price, check Viva Live’s Facebook Page. And speaking of James, panoorin ang bago niyang music video, ang “Cool Down” (not related to Kolohe Kai’s song with the same title). At nitong isang araw, naging FHM Top 100 Most Sexiest Woman si Nadine (pungalawa lang po si Kim Domingo).

https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fweb.facebook.com%2FPOPGIRLS%2Fphotos%2Fa.103721669689453.5307.103585249703095%2F1785862034808733%2F%3Ftype%3D3&width=500&show_text=true&height=583&appId

Cool Down Music Video:

Justin Bieber Invades Our Country For The Second Time

For the second time, pupunta na naman dito sa Pilipinas si Justin Bieber para sa kanyang konsiyerto na gaganapin sa Philippine Arena sa lalawigan ng Bulacan sa buwan ng Setyembre. Para po sa ticket price, pwede po kayong i-check ang Philippine Concerts Facebook Page or click this link above. Noong Mayo 2011 nang huling pumunta ang international singer dito sa bansa na ginanap sa MOA Grounds.

UPDATE (As of July 28, 2017): Nang dahil sa unforeseen circumstances, kanselado na ang lahat na natitira niyang concert sa North America at Asya, kabilang na ang Pilipinas. Ang tiket ay pwedeng i-refund.

PH Representative for Asia’s Next Top Model Wins

Nanalo si Maureen Wroblewitz sa Season 5 ng Asia’s Next Top Model. Napa-wow si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa pagmomodel ni Maureen. Si Maureen ang kauna-unahang Pinay nanalo sa kompetisyon.

Other Gossips

Sa araw na ng Linggo ang bakbakan ni Sen. Manny Pacquiao at Jeff Horn na gaganapin sa lungsod ng Brisbane sa Australia. Makikinig na lang ako ng live blow by blow sa Barangay 96.3 Legazpi kesa manood ng delayed telecast ng laban sa GMA 7. Abangan sa susunod na linggo ang iba pang mga tsismis at ang resulta sa Pacquiao-Horn fight.

Philippine Radio Mid-Year Review

Noong umpisa ng taon ng umalis si Papa Jack sa Love Radio na naging kapalit niya ay ang social media sensation na si Lloyd Cadena. Then, ang pagkawala sa ere ng Business Radio 104.3 at naging FM2. Sumunod na buwan nang umalis si Papa Dan ng LS at nag-migrate sa Australia kung saan na siya nakabase. Naging kapalit niya si Papa Bol from 102.7 Gensan. Sumunod na buwan naman ng nagbalik sa bagong tahanan si Papa Jack sa Energy FM at naging si Papa J na kalauna’y naging si Papa Jackson. Pinalitan niya si Mr. Fu na lumipat sa Win Radio. Naging addition sa Pangga Network si Chico Loco. Sumunod na buwan nang nagbalik sa News TV ang “Dobol B sa News TV” na kung saan mapapanood na sa TV ang ilang mga programa sa DZBB. Naging 1 milyon ang subscribers ng original Wish 107.5 Youtube Channel, ngunit sa kasamaang palad, nawala ito dahil sa isyu ng copyright infringement at third party. Kaya naman, nagkaroon ulit ng panibagong YouTube channel na umabot ngayon sa mahigit 100 libong subscribers. Noong Mayo nang ni-launch ng Viva ang Halo-Halo Radio kapalit ang Oomph Radio. Tulad ng Pinas FM, ito ay isang all-time OPM Radio Station sa Cebu, Davao, at Zamboanga. Lumawak ang coverage ng Brigada at Bandera (radio station at hindi konektado sa tabloid na kapangalan nito) sa buong bansa. Lumipat ang Radyo Siram from 102.7 to 90.7 at naging Radyo Oragon. Ito ay dahil sa salitang “Siram” o “sarap” na palayaw ni Sir Joshua Martinez na nasa Home Radio na ngayon. And speaking of Home Radio, nagbalik na sila sa dati nilang format na Soft AC (Stress-Free, unlike Easy Rock na stress-free but they would be in “masanized” format). Nakita ko po sa isang FB Post sa PHRadio Group. And pagtune in ko sa Home Radio 92.3 Legazpi, back to stress-free na sila. Ewan ko sa ibang provincial stations aside sa Manila at Legazpi. I miss the old format of Home Radio. Nakaka-LSS ang jingle. Easy with Home Radio!!!

And I hope na nalaunched balang araw ang FM1 87.5.

OPM Radio Station and Block in the Philippines

(UPDATED – September 9, 2017, 10:41 pm)

Ang OPM ay ang musika na ating tatangkilikin at suportahin. Sabi nga sa kanta, “Kay ganda ng ating musika.” Narito ang mga OPM Radio Station or Block sa Pinas.

Pinas FM 95.5

Ito ay isang all time OPM Radio Station sa Metro Manila na pag-aari ng Eagle Broadcasting Corporation. Nageere sila ng puro OPM, mula sa classic hanggang contemporary. It operates daily 24 hours except Mondays from Midnight to 4 am.

Halo Halo Radio

Tulad ng Pinas FM, ito ay isang OPM Radio Station ng Viva na unang umere noong Mayo 1. Ang Halo Halo Radio ay may istasyon sa Cebu sa Visayas, at Davao at Zamboanga sa Mindanao.

Energy FM Pinoy Flavor

Tuwing Sabado ng umaga, nagpapatugtog ng puro OPM ang 106.7 Energy FM sa pamamagitan ng programang Pinoy Flavor.

94.7 Spirit FM OPM Sunday

At dito naman sa Legazpi, hindi magpapatalo ang 94.7 Spirit FM sa pagtutugtog ng OPM tuwing Linggo ng hapon. Ang disadvantage, may pagkakataon na more kn Flip Music Exclusive na napakaayaw ko.

Zagitsit News FM OPM Republic

May bagong OPM block ang Z100.3 Zagitsit News FM dito sa Legazpi, ang OPM Republic na mapapakinggan tuwing Sabado ng hapon.

At narito ang mga OPM Radio Station or Block sa Pinas. Kung may kulang, feel free to comment here or sa Chakuy Productions Facebook Page. Pwede rin sa aking Twitter account.

The Resorts World’s Whisper Louds

THIS IS AN OPINIONATIVE POST.

Sa patalastas, pabulong lang ang Resorts World pero sa totoo lang, malakas….

Nitong hating gabi ng Hunyo 2, Biyernes, isang trahedya ang nangyari sa isang three storey building sa Resorts World Manila. Kumitil nang mahigit 38 na katao, kasama ang gunman na si Jessie Carlos na dating nagtatrabaho sa Department of Finance. 13 sa mga namatay ay mga nagtatrabaho sa casino area. May ilan ding mga Tsino ang namatay sa insidente. Para sa listahan ng mga namatay, ITO PO!!! Higit sa 50 ang sugatan. Ayon sa imbestigasyon, suffocation ang ikinamatay ng 37 na namatay dahil sa usok na mula sa nasusunog na gusali (nakakulong sila sa mga cubicle at sa mga CR) habang ang suspek naman ay sinunog ang kanyang sarili sa isang kwarto ng naturang hotel.

BEHIND THE SCENES

Natalo si Jessie Carlos sa casino (obviously nawalan yata siya ng trabaho dahil sa sugal) at kinuha niya ang milyon milyong pisong halaga ng baraha. Pagkatapos sinunig niya ang buong gaming area. Agad namang nagresponde ang mga fire truck ng Pasay at agad namang naipula ang apoy bago sumikat ang araw.

Agad namang nag-apela ng pakikiramay ang Resorts World sa mga namatay…

Ang Resorts World ay matatagpuan sa Lungsod ng Pasay sa harap lang ng NAIA 3.

Sa mga pamilya ng namatay, CONDOLENCE po at sa lahat ng mga sugatan, GET WELL SOON..

CHAKUY SPECIAL ARTICLE: Manila Experience

Last week, on hiatus muna ang Chakuy Production para sa isang linggo ng aking bakasyon sa Metro Manila. Nakaka-enjoy ang pagpunta ko sa naturang lugar kasama ang aking nanay. Pumunta lang kami para bumili ng paninda sa tindahan ng nanay ko.

 

Second time ako pumunta sa Divisoria at bumili kami doon ng panindang damit at paying habang bumili kami sa Baclaran ng panindang sapatos na Marikina-made.

 

Nakita ko sina Jodi Sta. Maria at Joseph Marco sa mall show ng kanilang pelikula sa Vista Mall Taguig. Sayang, di ko nakita ang The Juans sa naturang mall dahil umuwi agad kami sa Bicol sa araw ng kanilang mall show. (Sa amin naman sa Bicol, pumunta doon ang Silent Sanctuary.)  First time akong pumunta ng Venice Mall sa McKinley. Naririnig ko yung mga kumakanta sa opera habang namamasyal sa naturang mall. Feeling ko, gusto kong bumalik ulit sa naturang mall. Pumuntsa rin kami ng dalawang beses sa Market! Market!

 

Sumakay na rin ako ng MRT at LRT ngunit marami akong kapalpakan diyan dahil sa makabagong teknolohiya gaya ng beep card. Masarap ring sumakay sa FX at taxi. Nagsa-soundtrip ako habang sumasakay diyan upang iwas-stress pag-traffic.

 

Umuwi kami agad para mabigyan ang aming tindahan. Nakakamiss ang aking pinsan na sina Liv at Jaz. I miss you!!