Chakuy Reaction No. 18

Billboard Philippines Results

Billboard Philippines Top 20 (Top 5) – December 4, 2017

Narito na ang limang sikat na awiting sariling atin mula sa Billboard Philippines.

1 – Titibo-Tibo – Moira dela Torre (=)

2 – Malaya – Moira dela Torre (=)

3 – Dahil Sa Iyo – Iñigo Pascual (=)

4 – Two Less Lonely People – KZ Tandingan (=)

5 – Awit Sa Marawi – Esang Torres (=)

Para sa kompletong resulta, maari niyong i-click ang link na ito.

Billboard Philippines K-Pop Top 5 – December 8, 2017

Anneong! Here are the five most popular K-Pop songs from Billboard Philippines.

1 – Likey – Twice (=)

2 – DNA – BTS (=)

3 – Go – BTS (=)

4 – Clap – Seventeen (+1)

5 – Like OOH – AHH

Source: Billboard Philippines Website

Discussion Proper

Paano ang Pasko Alay Ko Sa Iyo?

Nasa linya ng isang awiting pamasko na kung saan na-relate ako sa kwento ng isang mag-asawa.

Kwento ng isang pastor na bestfriend ng naturang mag-asawa at third will rin, nagsimula sila sa pagiging magkaibigan sa kolehiyo hanggang naging sila na. Sa tuwing may pupuntahan ang magkasintahan, nariyan ang kaniyang third will. Ngunit madalas silang nag-aaway bati noon dahil sa selos. Ang third will rin ang naging kaagapay ng lalaki. Nakatapos ng pag-aaral ang lalaki at naging call center agent. Samantala naman ang babae naman ay huminto sa kaniyang pag-aaral dahil sa problemang pinansiyal. Nagi siyang saleslady sa isang department store ngunit madalas siyang nahihilo. Sa isang event nag-alok ng kasal ang lalaki sa babae ngunit nakalipas ang ilang mga buwan, nag-away sila dahil din sa selos. Lumipas ang ilang araw ay nagkabati ang mag-asawa at nag-propose ulit ang lalaki sa kaniya habang nagbabakasyon sila ng kanilang mga pamilya. Third will din ang nagsaayos ng kanilang kasal at host sa kanilang reception. Ikinasal sila noong Nobyembre 2016 at nag-honeymoon sila sa Palawan. Nakalipas ang ilang buwan ay nagkaroon sila ng isang supling.

Ilang araw pagkatapos ang kanilang anibersaryo ng kanilang kasal noong Nobyembre, nanakit ang dibdib ng babae at agad siyang isinugod sa ospital. Nakalipas ang ilang araw, binawian siya ng buhay dahil sa problema sa puso.

Sa libing ng babae, ibininyag ang supling sa harap ng kabaong ng babae bago ito ilibing sa huling hantungan.

Narito ang video:

Iba Pang Tsismis

Nanalo ang Adamson University sa katatapos na UAAP Cheerdance Competitipn sa MOA Arena nita lamang Sabado, Disyembre 2. Napansin ko ang pagkamali sa courtside board ng Jollibee na sa halip na #8-7000, #8-700 ang nakalagay.

At sa Disyembre 16 na magsisimula ang #Pangyayari2017 ng Chakuy Productions na kung saan babalikan ang mga kahit ano sa taong ito.

Advertisements

CHAKUYPINION: Seguridad sa Konsiyerto

DISCLAIMER: Ang opinyon o views sa naturang blog post at OPINYON LAMANG ng admin at hindi nakokonektado sa anumang organisasyon o ahensya. WALA PO AKONG MGA HARMFUL OPINIONS TUNGKOL SA MGA PERSONALIDAD. IN SHORT, HINDI PO ITO FAKE NEWS!!!

Noong Abril 23, 2017 ng umaga (PH Time), katatapos pa lang ng konsiyerto ng mang-aawit na si Ariana Grande, may nangyaring suicide bombing o terror attack sa Manchester Arena sa Inglatera. Mahigit 22 ang patay habang mahigit 60 naman ang sugatan. Pero, kinakailangan ba talaga ng seguridad sa bawat konsiyerto?

Speaking of Ariana Grande, may mga nagtatanong na matutuloy ba ng kanyang konsiyerto dito sa Pilipinas sa Agosto. Pero sa mga nagtatanong na ganitro, eto po ang sagot. The show must go on. Tuloy ang kaniyang konsiyerto na naturang petsa na gaganapin sa MOA Arena pero magkakaroon ng pag-igting ng seguridad sa kinalilibutan ng venue.

Mas maganda na ang concert organizers ay makipag-ugnyan muna sa pulisya bago ituloy ang konsiyerto upang maiwasan ang banta ng terorismo at iba pang mga krimen. Gawin ito hindi lang sa konsiyerto ni Ariana kundi sa lahat ng mga konsiyerto sa hinaharap, mapa-foreign man or local.

And speaking of Ariana Grande again, soundtrip muna tayo with one of her song: (Sa lahat nang kanta niya, ito ang pinakanakakalungkot)