Chakuy Reaction No. 5

Salita ni Admin

Bilang pagdiriwang sa taunang Buwan ng Wika ngayong Agosto. May pagka-wikang Filipino muna ang aking mga ilalatha sa loob ng buwang ito.

Nagbabalik ang MTVph!

Nagbalik na ang halos walong buwan na paghihintay, ang MTVph. Hindi kase ako natuwa sa panahon ng MTV Pinoy dahil sa diumano’y paboritismo na kung saan puro kanta ng mga artista ng Viva (halimbawa, Jadine) ang laging pinapalabas roon. Magandang balita ito para sa akin na isang tagahanga ng musika lalong lalo na ang musikang sariling atin.

Ang Bestfriend Mo sa Bicol

Posible na bago matapos ang taong ito (di pa sigurado ng mahimyento ng RMN), magsisimula na sa himpapawid ang 91.1 IFM Naga. Ito ay dating DWNX RMN Naga na lumipat na sa AM 1611 kHz. Pero, naka-hook up muna ang IFM Naga sa 93.9 Manila hangga’t di pa ito ilo-launch (Base ito sa aking obserbasyon noong Mayo na kung saan dinaanan ng sinakyan kong bus papuntang Maynila mula dito sa Albay, ang Naga).

Chakuy Radio sa Spotify

Mapapakinggan na ang paborito mong mga kanta sa Chakuy Radio. I-follow niyo po ito sa Spotify, enjoy, and keep updated!

Chakuy Radio 1 – OPM

Chakuy Radio 2 – Foreign Popular

Chakuy Radio 3 – Easy Listening (As played on Home Radio and Easy Rock)

Other Gossips

Dahil may importanteng gawain muna ang inyong lingkod, ipagtutuloy ko ang paglalathala sa ika-11 ng Agosto, Biyernes ng gabi.

Advertisements

CHAKUY SPECIAL ARTICLE: Reasons Why Music Channels is Near to Exist

DISCLAIMER: Ang opinyon o views sa naturang blog post at OPINYON LAMANG ng admin at hindi nakokonektado sa anumang organisasyon o ahensya. WALA PO AKONG MGA HARMFUL OPINIONS TUNGKOL SA MGA PERSONALIDAD. IN SHORT, HINDI PO ITO FAKE NEWS!!!

 

Simula mula 90s hanggang 2016, nagiging habit ng bawat Pilipino ang panonood ng mga music channels gaya ng Myx at MTV, pero sa paglipas ng panahon, unti-unti nang kumukonti ang mga nanonood nito nang dahil sa mga sumusunod (bukod sa pagkawala ng Myx sa Channel 23 noong 2014 at pagtanggal ng MTv Top 20 OPM Countdown sa TV5 nitong nakaraang taon):

 

NAKAKASAWA – Nakakasawa talagang panoorin ang mga music video at minsan ay paulit-ulit.

 

TECHNOLOGY – Dahil sa demand ng YouTube at mga music streaming apps tulad ng Spotify at Soundcloud. May ilan din na nagdadownload ng music video o music audio galing sa mga naturang sites. Demanded rin ang mga nagbebentang mga CD ng mga kanta sa mga bangketa at palengke.

 

RADIO RENAISSANCE – Sa mga di afford na magstream sa YT, Spotify, at Soundcloud, sa radyo (sa FM) na lang sila making. Isang tune in lang sa stereo o isang saksak lang ng earphones, pwede mo nang pakinggan ang mga kanta mula sa mga local FM radio stations.

 

May mga music channel block naman sa Free TV gaya ng CLTV 36 Music Zone sa mga taga-Central Luzon, Brigada Music Video ng Brigada TV sa mga taga-GenSan at Net 25 Letters and Music sa mga taga-Metro Manila at mga piling lugar. May MYX Block pa rin sa KBO ng TV Plus pero kailangan ka lang po mag-load and for limited areas only.

 

ABANGAN NIYO PO SA LUNES ANG AKING SPECIAL ARTICLE TUNGKOL SA ASEAN SUMMIT.