Chakuy Reaction No. 6

Wishful Success

Ngayong buwan ipinagdiriwang ng Wish 107.5 ang ika-3 anibersaryo. Nagsimula ito ang pag-ere nito noong taong 2014 kasabay ang pagkatatag ng isang mobile studio upang maikayat ang mga tagapakinig na manood rito nang live. Mas demanded ang kanilang YouTube channel (main at ang alternative, ginamit ng Wish ang alternative channel nila nang nawala ang kanilang main channel dahil sa isyu ng copyright).

May nakita ako sa Facebook na may “naninira” sa Wish FM. Gusto kase nila na “ibalik” ang tunog ng nowdefunct rock station na NU 107. Hindi ako sang-ayon sa ginagawa nilang “paninira”. Kung may nakakita po kayo na may naninira sa Wish FM, i-report niyo po kaagad sa Chakuy FB Page o sa kanilang FB Page mismo.

The Station Where He Belonged

Nitong Lunes, ika-7 ng Agosto nang binanggit ng komedyante na Vice Ganda tungkol sa GMA 7 sa isang kalahok sa segmentong Miss Q & A ng Showtime. Sinabi ni Vice na:

“Kung sinasabi na ang GMA ay Where You Belong, ba’t pa sila naglilipatan?”

Alam ko na si Vice ay dating taga-Siyete at ilang beses nang binabanggit ni Vice ang Siyete lalong lalo ang ang kalabang noontime show na Eat Bulaga.

Instant Bunot sa Sorsogon

Sa lalawigan ng Sorsogon, may isang mambubunot ng ngipin na sa loob lang ng ilang segundo, tanggal agad ang ngipin. Wala siyang nilalagyang anestesia o kayarom sa ngipin. Kailangan lang ng tapang upang matanggal ang sumasakit na ngipin. Pinalabas na po ito sa KMJS. Narito ang video:

Iba Pang Tsismis

Isang taon nang nasa himpapawid ang Catch 22 Pilipinas na mapapakinggan sa lahat na himpilan ng Love Radio, Yes The Best, at Easy Rock. Ngunit, napakapangit pakinggan kung sa Easy Rock dahil masyado nang magulo ang kanilang playlist. Nawawala na ang dating tunog at napunta na sa Home Radio. Kaya, mas maganda na tanggalin ang Catch 22 sa Easy Rock, at sa Love Radio at Yes The Best na lamang ito mapapakinggan. Dapat ayusin na ng MBC ang ginagawang “No. 1-kuno” ng Love Radio (dahil lamang na sa ratings ang MOR at Barangay kung sa Kalakhang Maynila babasehan, ngunit nangunguna sila sa Santiago, Butuan, Roxas, at Naga, at buti na lang shut up lang ang 99.5 Legazpi), “Millenial Choice-kuno” ng Yes The Best, at “Masanised Easy Listening” ng Easy Rock.

Advertisements

Chakuy Reaction No. 4

Rest In Peace, Chester Bennington

Natagpuang patay ang bokalista ng bandang Linkin Park na si Chester Bennington sa kanyang bahay sa estado ng California sa Amerika noong Biyernes ng madaling araw (oras sa Pilipinas). Kinumpirma ito ng kaniyang kapwa miyembro ng banda na si Mike Shinoda sa kanyang tweet.

Si Bennington at ang bandang Linkin Park ay nasa likod ng awiting “In The Head,” “Numb,” at ”Heavy.” Sa edad na 11, lulong na siya sa ipinagbabawal na gamot dahil naghiwalay ang kanyang magulang. Ayon sa ulat, gusto niyang magpakamatay dahil gusto niyang makasama ang kapwa mang-aawit na si Chris Chonell (Si Bennington ang kumanta ng awting “Halleluiah” sa libing ni Chonell) na namatay rin halos dalawang buwan na ang nakakaraan. Basahin ang aking tribute article para sa kanya tungkol sa buhay niya.

At bilang pag-alala sa kaniya, narito ang kanyang isa sa mga awitin na napakapamilyar sa akin:

Tawag ng Tanghalan to Tawag ng Kulungan

Inaresto at kinasuhan ng pagagahasa ang kampyonato ng “Tawag ng Tanghalan” ng programang “Showtime” na si Noven Belleza noong nakaraang linggo. Inaresto si Belleza sa konsiyerto ng komedyante na si Vice Ganda sa lungsod ng Cebu na kung siya isa siya sa mga magtatanghal roon. Ayon sa ulat, ginahasa niya ang isang babae sa banyo ng isang condo.

Naputulan Dahil Sa Cutting Class

Nakakadiri ang balita tungkol sa naputulan ng daliri ang estudyanteng high school sa Negros. Ayon sa ulat, naiihi daw ang binata kaya umakyat siya ng bakod at nakasabit ang singsing sa kawad ng alambre. Nang nasabit, agad namang naputulan siya ng daliri.

Other Gossips

Ito po ang transcipt ng SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.