CHAKUYPINION: Ex Battalion Fever

Number 3 noong Enero 8 ang awitin ng grupong Ex Battalion na Hayaan Mo Sila sa Billboard Philippines Top 20 samantalang nasa number 18 sa Catch 22 Pilipinas ng Manila Broadcasting Company nito lamang na Sabado. Pero ang tanong, bakit naging paborito ng mga Pinoy ang naturang grupo kahit ang mga kanta nila ay may mga mura?

Ang awiting Hayaan Mo Sila ay tungkol sa mga lalaki na ayaw pilitin na huwag magmahal sa babae ngunit pinipilit lang lalaki sa kanyang isip na hayaan na lang ang babae. Sa palagay ko, mukhang walang reputasyon sa mga babae ang awitin na ito. Para lang na ginawang alipin ang mga babae sa naturang awitin.

Naging trending sa YouTube ang music video nito ngunit biglang pinull-out ng naturang site ang naturang music video dahil sa isyu ng karapatang sipi. May utang pa Ex Battalion ng milyones sa Diamond Beats, ang orihinal na gumawa ng beat para sa kanilang kanta. Hindi iniisip ng grupo kung gaano kahirap gawin ang isang awitin na walang pagnanakaw sa iba. Ganon din ang naturang sitwasyon sa Spotify.

Sa ganang akin, para nilang binababoy ang industriya ng OPM dahil rito.

Kung ang grupo ay bumisita sa Wish 107.5 Bus, maaapekto ang identidad ng naturang himpilan dahil MGCI o Ang Dating Daan ang may-ari ng parent company ng Wish.

Ang pagmamahal sa musikang sariling atin ay hindi binababoy. Kailangang mahalin ang OPM sa ngalan ng kabutihan. Ito ay nasa puso.

Advertisements

Chakuy Reaction No. 6

Wishful Success

Ngayong buwan ipinagdiriwang ng Wish 107.5 ang ika-3 anibersaryo. Nagsimula ito ang pag-ere nito noong taong 2014 kasabay ang pagkatatag ng isang mobile studio upang maikayat ang mga tagapakinig na manood rito nang live. Mas demanded ang kanilang YouTube channel (main at ang alternative, ginamit ng Wish ang alternative channel nila nang nawala ang kanilang main channel dahil sa isyu ng copyright).

May nakita ako sa Facebook na may “naninira” sa Wish FM. Gusto kase nila na “ibalik” ang tunog ng nowdefunct rock station na NU 107. Hindi ako sang-ayon sa ginagawa nilang “paninira”. Kung may nakakita po kayo na may naninira sa Wish FM, i-report niyo po kaagad sa Chakuy FB Page o sa kanilang FB Page mismo.

The Station Where He Belonged

Nitong Lunes, ika-7 ng Agosto nang binanggit ng komedyante na Vice Ganda tungkol sa GMA 7 sa isang kalahok sa segmentong Miss Q & A ng Showtime. Sinabi ni Vice na:

“Kung sinasabi na ang GMA ay Where You Belong, ba’t pa sila naglilipatan?”

Alam ko na si Vice ay dating taga-Siyete at ilang beses nang binabanggit ni Vice ang Siyete lalong lalo ang ang kalabang noontime show na Eat Bulaga.

Instant Bunot sa Sorsogon

Sa lalawigan ng Sorsogon, may isang mambubunot ng ngipin na sa loob lang ng ilang segundo, tanggal agad ang ngipin. Wala siyang nilalagyang anestesia o kayarom sa ngipin. Kailangan lang ng tapang upang matanggal ang sumasakit na ngipin. Pinalabas na po ito sa KMJS. Narito ang video:

Iba Pang Tsismis

Isang taon nang nasa himpapawid ang Catch 22 Pilipinas na mapapakinggan sa lahat na himpilan ng Love Radio, Yes The Best, at Easy Rock. Ngunit, napakapangit pakinggan kung sa Easy Rock dahil masyado nang magulo ang kanilang playlist. Nawawala na ang dating tunog at napunta na sa Home Radio. Kaya, mas maganda na tanggalin ang Catch 22 sa Easy Rock, at sa Love Radio at Yes The Best na lamang ito mapapakinggan. Dapat ayusin na ng MBC ang ginagawang “No. 1-kuno” ng Love Radio (dahil lamang na sa ratings ang MOR at Barangay kung sa Kalakhang Maynila babasehan, ngunit nangunguna sila sa Santiago, Butuan, Roxas, at Naga, at buti na lang shut up lang ang 99.5 Legazpi), “Millenial Choice-kuno” ng Yes The Best, at “Masanised Easy Listening” ng Easy Rock.